NASA Spain na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kaya nagtagpo na ang Espanyol na ama ni Ma­rian na si Javier Gracia at ang anak nila ni Dong na si Maria Letizia.

First time na nagtagpo ang maglolo at kita sa mukha ni Señor Javier na masaya itong makapiling ang apo.

As usual ay may pinost si Dong na ‘Ay, may daga pose’ nina Marian at Zia sa Madrid na birthplace ni Yan.

Sa IG Stories ni Marian ay nakita naming nag-drive si Dong para makarating sila ng Segovia.

May video si Yanyan na may kasama siyang mga cute bagets na 2 girls and 1 boy.

Ang sabi ng DongYan fans ay mga kapatid ‘yon ni Yan.

Na-meet din at nakala­ro pa ni Zia ang kanyang young tito at tita’s.

Lolo Javier at Baby Zia
Lolo Javier at Baby Zia

May vid din ang mag-amang Marian at Javier sa IG Stories ni Yan na masaya silang nakangiti sa camera.

Tapos ay may pic silang mag-ama na mukha silang pinagbiyak na bunga.

May pinost si Yan sa kanyang IG feed na pic nilang mag-ama na kuha sa Segovia, pero ‘yung pic na karga ng fadir niya si Zia ay nasa IG Stories niya lang.

Ang guwapo at ang borta ng dating ng Kastilang ama ni Yan, na siguradong natuwa na na-meet na nito in person ang kanyang cutie pie granddaughter.