Baby Boy umano ang ipinagbubuntis nina Kapuso royalties Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Ang announcement ay ipinahiwatig ng mag-asawa sa video na naka-post sa YouTube Channel na Team Dantes kung saan isinulat ni Marian ang salitang ‘Boy’ nang tumakbo ito sa ginanap na ColorRun event sa BGC.
Sa mga naunang interview, madalas na sabihin ni Marian na gusto nila ng baby boy para sa kanilang magiging pangalawang supling.
Gayunman, aminado ang sikat na aktres na higit na importante na maging healthy ang kanyang next baby.
“Actually, tuwing tinatanong ako, ‘Ano ang next na gusto mong anak? Ang palagi kong sagot, kahit ano, basta healthy,” sabi ni Marian
Subalit kung bibigyan umano ng chance ay mas gusto nilang lalaki dahil may Zia na sila na nag-celebrate ng ika-3rd birthday sa Hong Kong.
“Para may boy naman ako. Pero kung girl, okay pa rin.” dugtong pa nito.