MARIAN, BAIT-BAITAN KAY MATTHIAS

Matthias Rhoads

Thankful ang baguhang hunk actor ng GMA 7 na si Matthias­ Rhoads kay Marian ­Rivera.

Hindi siya pinaba­yaan ng aktres nang nakaranas si Matthias ng pamba-bash dahil sa ipinost niya sa Instagram.

View this post on Instagram

F&H #tbt 📸 @nigelgarciaaa

A post shared by PHoodDude (@manilamatthias) on

Natuwa siya sa kabaitan ni Marian nang magsama sila sa tapin­g ng Super Ma’am. Kaya ipinost niya sa kanyang IG ang kuha nila ni Ma­rian sa photo shoot ng bagong series na ito na magsisimula na sa Lunes, September 18 sa GMA Telebabad.

Ani Matthias, “I posted the first photo that I had with Marian which is for promotion of Super Ma’am and I told the world that I was fortunate for this opportunity to be working with this you know wonderful lady, Marian Rivera and just so happens we have a powerful combination in Zodiac sign.”

Magka-birthday sila kaya natuwa siya.

Tapos, biglang may mga nagkomento na sa post na iyun na sino siya para ilinya kay Marian at hindi man lang daw ito nahiya o respeto man lang daw sana kay Dingdong Dantes.

Saad ni Matthias, “At first, huh, what’s going on? And then I realized that of course you know…if somebody’s doing something that maybe you might be envious of or you know or maybe they can’t believe it and a big fan with her husband, then they’re ­going to react.

“But I guess that comes with… and that’s something that I have to understand. So, at that point, I stopped.

“There’s nothing important here. The importance is I’m letting them know that this is the new project.”

Nagkausap sila ni Marian at pinayuhan siyang ganu’n talaga sa showbiz. Kaya dapat na masanay na ito.

“We talked about it, and she says… you know, that’s part of the job. Part of the job is dealing with that type of attention which is positive attention, negative attention.

“But she said to me, you know what that means? You are effective and you made an impact,” dagdag na pahayag ng Fil-Am Kapuso hunk actor.

***

NAGSIMULA nang mag-taping sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas ng bago nilang programang ipinalit sa Hay Bahay.

Game show na gag show raw ito. Bagong concept na ine-enjoy nilang dalawa.
Bossing and Ai daw ang title at nagsimula na silang mag-tape kamakalawa.

Bukod sa kanila as main hosts, kasama rin nila rito si Jose Manalo bilang assistant ni Bos­sing at si Tart Carlos bilang assistant ni Ai Ai.

Na-excite daw si Bossing dahil first time niyang mag-host ng isang game show sa GMA 7.
Nakapag-host lang siya dati sa TV 5 at nga­yon ay ibang concept naman ito.

Ang gaan ng taping ng pilot episode nila dahil tawa sila nang tawa, lalo na’t stand-up comedians ang guests.

Ang pagkakaalam ko, ngayong Setyembre ito magsisimula na mapapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Hindi lang kami sure kung makakatapat nito ang Gandang Gabi Vice ng kabilang istasyon.
Nag-iisip ang production staff ng iba pang konsepto para mas masaya at nakakatawa ang mga kasunod pang epi­sodes.

Kailangan nilang mag-ipon ng episodes dahil sa mga susunod na buwan ay magiging aba­la si Ai Ai sa kanyang kasal sa December.