Nakiusap si Marian Rivera na huwag silang gawan ng isyu ng kapwa Kapuso artist na si Jennylyn Mercado.

May mga lumalabas kasing sitsit na umano’y bina-bash ng DongYanatic fans si Jennylyn kaugnay ng pagkakapili nito bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng top rating Koreanovela na “Descendants of the Sun”.

Nauna rito, maugong kasing napabalita noon na si Marian umano ang napipisil na maging leading lady ng mister sa pinakabago nitong TV series.

Noong nakaraang linggo, nag-anunsyo naman ang GMA na si Jennylyn na ang gaganap sa role ni Dr. Maxine dela Cruz.

Sey pa ni Marian, bago pa raw ihayag na si Jennylyn ang gaganap sa much-coveted role ni Song Hye Kyo sa orihinal, nabanggit na raw ito sa kanya ni Dingdong kaya walang rason na gawan pa sila ng intriga ng Ultimate Star.

Hirit pa niya, aprub din daw sa kanya ang pagkakapili kay Jennylyn bilang kapareha ni Dingdong sa nasabing teleserye.

Dagdag pa niya, suportado rin daw niya ang bagong serye ng dalawa. (Archie Liao)