AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na bumalik ang intimacy nila ng mister niyang si Dingdong Dantes. Back to reality sila after na lumaki ang panganay nilang si Zia. Mas maraming time na raw sila ngayon bilang mag-asawa. Nagdi-date na raw sila at nagpupunta sa bar. Parang binata’t dalaga ang peg.

Mas naging priority kasi noon ni Marian na alagaan ang baby nila.

Nauunawaan naman daw ni Dingdong ang sitwasyon nila noon.

“Na-realize ko na sobrang haba pala ang pang-unawa niya sa akin,” sambit ni Yan.

Sobrang haba ng ano ulit ‘yun?

“Sobrang haba talaga…ng pasensya niya,” pakli ng aktres

So may mainit bang paganap nu’ng Valentines Day?

“Ano’ng mainit? Araw-araw mainit,” tumatawang pakli ni Marian

“Init ng panahon..kayo talaga. Ano ba kayo, grabe kayong mag-isip,” dagdag pa ng aktres.

Nagreregalo pa ba si Dingdong ‘pag Valentine’s Day?

“Sarili niya,” mabilis niyang sagot.

Katawan lang niya?

“Sarili niya…‘yung time niya. Ano ba kayo?” saad pa ni Yan sabay tawa.

“Naku baka ang headline niyo, Dingdong, nagpakain. Dingdong humaba. Ayusin niyo ‘yan,” sey pa niya na humahalakhak.

Talbog!

***

Female singer dinedma ng madlang pipol

MALUPIT talaga ang showbiz. Kahit anong sikat mo ‘pag dumating ‘yung point na laos ka na, mararamdaman talaga.

Nagulat kami sa reaksyon ng mga tao nu’ng tawagin ang isang female singer sa isang event. Wala man lang sumigaw, tumili o pumalakpak. Dedma lang sila na siya na ang magpe-perform.

May title pa naman siya bilang recording artist­ pero madalang na ang kanyang tv exposure.

Marami siyang kanta na nag-hit at kakaiba ang kanyang istilo. Pero sad to say, hindi na siya mabenta sa mga millennials.