Marian ginupitan si Dong

NI: ARCHIE LIAO

Dahil sa mainit at maalinsangan ang panahon,ito iyong pagkakataon na tiba-tiba ang mga parlor at barber shops sa mga nagpapagupit.

Pero dahil ipinatutupad ang enhanced community quarantine at sarado ang halos lahat ng establisimiyento,walang choice ang madlang pipol kundi mag-stay at home.

Sa mga local celebrity, oportunidad ito para makapag-bonding sa kanilang pamilya.

Para kay Marian ,pagkakataon din ito para matuto ng ibang skills.

Join na si Marian sa liga ng ibang Kapuso artists tulad nina Solenn Heussaff at Joyce Ching sa pagpapel bilang hairdresser o barbero sa kanilang mister.

Proud si Marian na i-groom si Dingdong with his new summer look.

Pinatunayan niyang hindi lang siya super mom kina Zia at Ziggy kundi all-round wifey kay Dingdong.