Umani ng papuri ang ginawang pag-amin at pagpapakatotoo ng Kapuso Primetime Queen na hindi siya ka­galingang mag-Ingles.

May mga basher kasi sa social media na pinupuna minsan ang kanyang paraan ng pagsasalita ng Ingles.

Gayunpaman, wala raw namang nakikitang relasyon ang actress ng pagiging magaling sa Ingles at sa pagiging matalino.
Pagmamalaki niya, wala raw namang ‘bobong’ nakaka-graduate sa kanyang course.

“Para maka-graduate ka ng psych sa isang magandang eskwelahan, walang bobong tao na nakaka-graduate ng psych,” aniya.

Bagama’t hindi raw siya ganoon ka-fluent sa English, hindi raw naman sukatan ito ng katalinuhan ng isang tao.

“Kapag hindi ka ma­galing mag-Ingles pero maprinsipyo ka sa buhay mo, kapag mahal kang anak, mabait kang kaibigan, ibig sabihin pa nu’n bobo ka? Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumiskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, ‘wag na lang akong maging matalino,” pagtatapos niya.