Marian, Jane ‘di nag-irapan

Hindi lamang ang diva that you, tiyak pati na rin ang mga dabarkads at madlang pipol, hindi lang nalugod, kundi tuwang-tuwa sa isang IG photo post.

Bakit kaniyo? Aba naman, ang Kapuso reyna Marian Rivera at ang Kapamilya newly minted princess Jane de Leon na surefire na maging major, major star, magkasama. At alam naman natin na they have one common denominator, si Rivera ay naging “Darna” dati sa telebisyon. Si Jane naman, ang bagong Darna na lilipad sa pelikula.

Pareho na yata silang beauty ambassadress of a certain clinic at doon sila pinagtagpo. May caption pa nga ang larawan na “nice to meet you Jane.”

Pangabog ang kariktan ng nag-iisang Mrs. Dingdong Dantes, huh! Parang magka-idaran lang sila ni de Leon. Lumalaban, kumakasa, inch per inch ang alindog, huh.

At si Jane naman, pahiram muna Pia Wurtzbach of your famous words, “confidently beautiful” sa tabi ni Marian.

Walang pagmamagandahan. Walang irapan. Pareho kasing maganda inside and out kaya nakaka-good vibes pagmasdan paulit-ulit ang kanilang pagsasama, kahit sa larawan man lang.

May dagdag kuwento pa sa “Darna”, nabasa na ni Jane ang buong script, malapit na silang mag-shoot at malalaman niya na rin kung sino ang kanyang mga kasama sa pelikula, ayon iyan sa isang panayam.

Sa malapit na hinaharap, sino pa kayang dating Darna ang panalong makadaupang palad nitong si De Leon?

Siyempre, wagi kung magkatagpo sila ni Angel Locsin dahil nga para sa mayorya, si Locsin ang “best Darna ever”.

Wagas na wagas kung magkaka-daupang palad at beso-beso sila ni Vilma Santos. Ang Star For All Seasons ang may pinakamaraming ginawang pelikulang “Darna,” ang “Lipad, Darna, Lipad,” “Darna and the Giants,” “Darna and the Planet Women” at “Darna at Ding” kaya dapat silang pagtagpuin.

Si Nanette Medved-Po na pinaka-balingkinitan sa lahat ng naging Darna, baka busy siya sa kanyang mga charitable work.

Eh si Anjanette Abayari kaya? Naku, naku ‘wag na siya. Isa na siyang malaking the WHO. Charot! Hahahaha!

Ronnie, Loisa nagpasarap sa Amanpulo

Ang magkasintahang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, yayamanin na pala ang relatively young stars na ito, huh!

Nangangabog kasi ang kanilang bakasyon para i-selebra ang kanilang ika-tatlong anibersaryo bilang magsing-irog, afford na afford nila na mag-lovey dovey sa exclusive enclave of the rich and famous, sa Amanpulo, Palawan lang naman!

O hindi ba, hindi lahat may budget at may pribilehiyo na makapag-rest and recreation sa nasabing la isla bonita.

Ano kaya ang mga activity na kanilang ginawa sa Amanpulo? Jet skiing? Snorkeling? Eating by the beach with bonfire at tanging buwan at bituin sa langit lamang ang ilaw?

Ang pagmamahalang Ronnie at Andalio, nawa’y mas lalong tumatag at yumabong. Ang tatlong taong relasyon ay dapat naman talagang ipinagpasalamat. Parang emotionally healthy at mature na talaga sila para sa kanilang edad kaya namamayagpag ang kanilang relasyon.

Sa pinakamalapit na hinaharap, saan naman kaya ang next nilang travel destination na pang-super alta?

Morissette lusot kay Ben Adams

May katotohanan nga kaya ang chika na ang singer na lang may bad press, si Morisette Amon, ay may chance na magkapelikula na?

Ayon sa kuwento mula sa aking impeachable source, musical ang maaaring maging unang pelikula ni Amon at ang bibigyang-katauhan niya, ay ang “discoverer” o ang “maestro” ng world famous Loboc Children’s Choir.

May chance pa ngang ang mahusay na aktres at singer ding si Rachel Alejandro ang magiging antagonist ni Morissette sa pelikulang gagawin pa lang.

Kung marami ang poot na poot sa singer, ang dating A1 frontman namang si Ben Adams, puring-puri ang dalaga at gandang-ganda sa boses na taglay nito.

Paano nga kaya mabubura ang imahen ni Morissette sa kasalukuyan na may attitude problem with a capital A? Darating nga kaya ang panahon na mapapatawad siya at mauunawaan na ang tanging kasalanan niya lang eh may mga personal demon pa siyang hindi niya pa nalulupig?

O mas marami na nga ba ang nagdarasal na mapasama na siya sa grupong hindi pa nga sumisikat, laos na agad? Ang savage!