Marian maharutan sa bonding kay Dingdong

Buong ningning na sinabi ni Marian Rivera na may date sila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes sa labas.Ito’y sa garden ng kanilang bahay.

“Ang harot , di ba?,” sey ni Yan sa live niya sa Beautederm TV Live-Beaute’ at Home with Marian Rivera.

Mababasa sa Instagram account ng aktres: “Day off muna si nanay! Date muna with Mi Amor, quality time kahit nasa bahay lang Made a simple yet special invitation para sa spanish themed date namin with food cooked by yours truly! Naks tamis tamisan… #KapitNanay “

Sey naman ni Dingdong sa IG, “Pause muna sa mga pinagkakaabalahan para makakuha ng good vibes mula sa mainam na paandar ni Misis. Gràcias!”

Samantala, nagluto at nag-repack din si Marian para sa mga frontliner.

“Arroz ala Cubana with boiled egg naman tayo ngayon para sa lunch ng ating frontliners at the checkpoints. We used Ate Glenda’s recipe and these meals will be delivered to Lingayen Pangasinan and Pasay. Thank you Mahal @dongdantes for distributing in Pasay. Stay safe everyone! ,” post niya.

Ayon naman kay Dong, “Refill muna bago puntahan ang mga katropa ko sa MARCSSBN na assigned sa Pasay. Bitbit ko ang ilang goodies , PPEs, at higit sa lahat— ang mainit na chibog mula sa aming tahanan. Isang pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng reservists na volunteers at ilang linggo nang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Luzon para tumulong sa ating mga kababayan.”

Kahanga-hanga talaga ang mag-dyowa. Ang saya nilang tingnan.

Talbog!