Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

BLOOMINGERA ang gandarang si Gabbi Garcia sa kanyang grand d­ebut party nu’ng Martes nang gabi sa grand ballroom ng Marriott Hotel.

Swarovski-studded na silver ball gown na gawa ni Mark Bumgarner ang suot ng debutante nang mag-grand entrance siya sa venue.

Nakaabang sa may iba­ba ng hagdan ang Prince Charming ni G­abbi na si Ruru Madrid para alalayan siya.

Si Ruru ang 17th dance ni Gabbi sa 18 Roses at kinilig ang lahat nang i-kiss ng binata sa noo ang birthday girl.

High fashion na mo­dern minimalist ang a­yos ng Sincerely Gabbi na sa loob ng ballroom ay maraming geometric lines.

Nu’ng main event ay nagpalit si Gabbi sa kanyang emerald gown na gawa rin ni Bumgarner.

Dumating siyempre ang co-stars niya sa Encantadia sa pangunguna ng mga kapatid niyang Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Sanya Lopez.

Halos panay taga-Enca ang 18 Roses niya gaya nina Rocco Nacino, Andre Paras, Rodjun Cruz, Neil Ryan S­ese, Pancho Magno, Carlo Gonzales at Avery Paraiso.

Kasama niya sa Sunday PINASaya sina J­e­rald Napoles at Kim Last. Ka-join din sa 18 Roses sina Tom Rodriguez at Gardo Versoza.

Nag-perform si G­abbi with the live band habang suot niya ang kanyang green gown at tumugtog pa siya ng gitara.

Marian Rivera at Dingdong Dantes
Marian Rivera at Dingdong Dantes

Super proud si Ruru sa kanyang ka-loveteam at panay ang video n­iya ng mga kaganapan na pinost niya sa Instagram.

Parang ang saya-saya ng party dahil dance and drink galore lalo na ang stars ng Encantadia at SPS.

Present din ang mag-asawang Dingdong Dantes & Marian Rivera, na may twinning moment pa nu’ng gabing ‘yon.

Androgynous ang peg ni Marian sa suot nitong suit, kaya ang sabi ni Dong sa IG ay ang ‘p­ogi’ ng kanyang seatmate.

May nagkomento tuloy, “Pogi nga, bro. Mas pogi pa kay Robin Hood.”