NAGSAMA ang dalawang dating Darna ng GMA na sina Angel Locsin at Marian Rivera sa isang event nu’ng Biyernes.
Natuwa ang fans at netizens nang makitang magkasama sina Angel at Marian sa Avon event sa MOA Arena nu’ng Friday.
Avon True Color Queens ang tawag sa dalawang aktres, na magkahawak-kamay pa habang bumababa sa stage ng nasabing venue.
Naka-red dress si Angel habang naka-white dress si Marian.
Sa backstage ay mas masaya ang mga eksena dahil parang miss na miss ng dalawa ang isa’t isa nang magkita sila.
Ang happy ng pics nina Gel at Yanyan na chummy-chummy at parang very close sa isa’t isa.
Naalala namin na nang magsama sila for a cover shoot ng isang glossy magazine kamakailan ay super-chika ang dalawa.
Nagyaya pa si Angel na magkita sila soon para mag-bonding sila ni Yan.
Hindi namin alam kung natuloy na ang girl bonding nila na ‘yon, pero obvious na tuwing nagkikita ang dalawang aktres ay parang napakasaya nila together.
Kita mong parehong maligaya sa buhay nila ang dalawa at kampante sa kung nasaan sila ngayon. Hindi isyu kung nasa magkaibang network sila.

May ilang maldita na ipinagkumpara ang katawan nina Angel at Marian, tapos ay sinabing mas mukhang dalaga ang seksi-seksihang si Yan samantalang ito ang may asawa’t anak na.
For sure ay deadma lang si Angel sa mga ganu’ng komento dahil happy-happy lang sila ni Yan at mukhang walang makakasira sa good vibes nilang dalawa.
Mukha namang masaya si Angel sa piling ng current boyfie niyang si Neil Arce, na nagpadagdag na naman ng tattoo sa katawan at kasama pa si Gel nang magpalagay ito ng new tatt.
Ang alam namin ay very active si Angel at mahilig sa outdoor activities, so kung gugustuhin niya ay keri niyang pumayat at sumeksi ulit.
Para ‘pag nagsama sila ulit ng always sexy na si Marian ay makikipagsabayan siya sa ganda ng katawan ng kanyang kapuwa ex-Darna!