MEDYO toxic kay Marian Rivera ang trabaho niya ngayon.
Bukod sa bagong TV series na Super Ma’am, may Sunday Pinasaya siya, may Flora Vida at kailangan personal pa rin niyang alagaan si Baby Zia.
Priority pa rin kasi niya ang pamilya lalo na ang pag-alaga kay Zia, kaya nu’ng nagsimula siyang mag-taping sa Super Ma’am, nagka-separation anxiety (sepanx) siya dahil nami-miss niya ang kanyang anak.
“‘Pag nagti-taping ako, umiiyak talaga ako. Kasi, nami-miss ko ‘yung anak ko.
“Mukha talaga akong sira, umiiyak ako talaga,” pakli ng aktres.
Tumatawag siya minsan kay Dingdong Dantes na umiiyak na dahil nami-miss na ang anak niya.
Sinasabihan siya ni Dingdong na makipagtsikahan sa mga staff para malibang.
Nalulungkot si Marian dahil umaalis siya ng bahay na tulog pa si Zia, at tulog na rin pag-uwi.
“Ayoko naman dumating ang araw na makita ako ng anak ko, ‘Who you?” natatawang kuwento ni Marian.
Kaya pagkatapos ng taping, focus siya uli sa pamilya.
Napagkasunduan nila ni Dingdong na subukan nilang magka-baby uli pagkatapos ng soap nilang dalawa.
“Very honest naman ako na sinasabi ko naman sa GMA na after mag-soap ko, mag-try talaga kami.
“Sana bigyan uli kami ng pagkakataong bigyan uli kami ng tsikiting,” sabi ni Marian.
Kahit si Zia ay aware na rin daw na puwede na siyang sundan.
“Tanungin mo si Zia, baby boy daw,” natatawa niyang kuwento.
Kahapon sa New World Hotel, ini-launch si Marian ng bagong endorsement niyang Snow Crystal White Tomato.
Wala raw itong conflict sa ilang beauty products na ini-endorse niya. Nandiyan pa rin ito at nag-renew pa sa kanya ng kontrata.
***
Pinaghahandaan na ng mag-asawang Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga ang first birthday ng anak nilang si Seve.
Syempre, first baby nila, at first apo, pamangkin sa kanilang pamilya. Kaya sabi ni Direk Paul, holiday ito sa buong pamilyang Soriano at Gonzaga.
Pahayag ni Toni, “‘Yung first birthday niya, is not just a celebration of his first but also a celebration of us as parents. We want to celebrate it as family.”
Dugtong ni Direk Paul, “The first birthday is gonna be special.
“It’s something that maybe he won’t know now but when he looks back he will see how loved he is.”
Kahit abala sila sa kanilang ginagawa, tinitiyak nilang naka-focus silang mag-asawa sa kanilang anak.
“Gusto siguro namin ibigay ang atensyon namin at lahat ng oras namin sa kanya. We will really focus on him,” saad ni Toni.
Kaya sa sobrang focus, sa sahig na lang daw natutulog si Direk Paul dahil sobrang gulo na raw sa kama ni Seve.
Okay lang kay Direk ‘yun basta sama-sama sila sa isang kuwarto, at kailangan katabi siya siyempre ng Mommy Toni.
“That’s how much she loves Seve and it’s also made me love her even more, the mother of my son.
“It’s protecting my son, it’s protecting her. It’s protecting my family,” say ni Direk Paul
Kahit focused silang lahat sa kanilang anak, gusto rin ni Toni na madisiplina nila ito.
Gusto nilang ma-realize ni Baby Seve na hindi lahat ng gusto nito ay makukuha niya.
Spoiled din kasi sa mga lolo at lola na tuwing nakakasama ito, tiyak na may toys na itong bitbit.
Kaya nagdeklara na silang tigilan na muna sa pagbibili ng mga toys.
“Ayokong masanay siya na everytime na umaalis, meron nabibili. Kasi, nu’ng bata naman kami, tuwing nagmu-mall kami, hindi naman namin nabibili lahat.
“Gusto ko in a way, ma-experience niya ‘yung ganu’n.
“‘Yung hindi lahat ng bagay sa mundo, makukuha mo. Kasi, in real life, hindi naman talaga,” saad ni Toni, at agree rito si Direk Paul.