PINAGHAHANDAAN na ni Marian Rivera ang sarili niya pati ang katawan na magkaroon siya ng lima hanggang anim na anak.
Iyun ang isa sa mga pasabog niya kahapon sa presscon ng isang shampoo.
Hindi pa rin naiwasang matanong kay Marian ang tungkol sa isyu nila ni Andrea Torres, pero minabuti naming huwag nang isulat.
Hindi iyon nakakatulong at nagsimula na ring umere ang book 2 ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.
Nakiusap na rin si Marian na tapusin na ‘yan dahil wala na raw kailangang pag-usapan pa.
Masaya si Marian kapag si Zia ang napapag-usapan na sobrang lambing na ngayon.
Pero ready na rin daw ang bagets na magkaroon ng kapatid. Kaya nagpaalam na siya sa Triple A at pati sa GMA 7 na pagkatapos ng Super Ma’am ay magpo-focus na siya sa pagbubuntis uli.
Titiyakin niyang hindi mababago ang trato at oras na ibinubuhos niya kay Zia sakaling magkakaroon na ito ng kapatid.
“Unfair naman yata kung hindi pantay-pantay ang pagtingin mo sa mga anak mo.
“Sisiguraduhin kong pantay-pantay ito. Ang nabibigay ko kay Zia, ibibigay ko sa pangalawa, pangatlo, pang-apat, panlima.
“Sana anim nga eh, pero mukhang hindi kakayanin, hanggang lima na lang kasi 33 na ako eh.
“Pinaghahandaan ko talaga, at sana sa awa ng Diyos after Super Ma’am ko ay ipagkalooban kami,” sabi ng GMA Primetime Queen.
Hindi maisip ni Marian kung gaano siya kabaliw sa mga anak niya kung sakali.
Ngayon na si Zia pa lang ay naloloka na siya pero ito raw talaga ang nagpapasaya sa kanya nang husto.
Nakuha kasi ni Zia ang ugali niyang napakalambing.
“Sobrang lambing niya kasing bata. Sobrang malambing siya especially kapag alam niya na pagod ako, kunwari, nag-taping ako.
“Tapos, naglalaro kami, tapos sabi niya, ‘Mama love.’
“Sabi ko nga kay Dong, kapag ginaganun ako ng anak ko, parang natutunaw ako.
“Parang nararamdaman ba niya na napagod ako sa taping na napuyat ako? Kasi, ganu’n siya.
“Minsan, busog naman siya, tapos ‘Mama dede.’ Magdede siya para lambingin ako tapos hina-hug lang ako, magdede lang siya.
“Sabi ko talaga, ibang klase talaga kapag may anak ka. Especially siguro kapag nagbi-breastfeed ka, iba ‘yung bonding n’yong dalawa,” masayang kuwento ni Marian.