Marian, nakaka-inspire sa mga guro

Marian Rivera

MAPAPANOOD muli sa GMA Telebabad si Marian Rivera-Dantes sa fantasy-action series na Super Ma’am simula Setyembre 18.

Ayon kay Marian, matagal na niyang pangarap ang maging teacher kaya excited siya sa project na ito.

“Ang Super Ma’am ay kuwento ng isang guro na ayaw mag-give up sa pagtuturo dahil love at passion niya talaga ang pagiging teacher.

“May mangyayari sa kanyang isang ma­laking pagbabago na magli-lead sa kanya para tumulong sa kapwa niya.

“Kaya nga dream come true itong role ko kahit sa palabas lang,” saad ni Marian.
Nakaka-inspire sa mga guro at estudyante ang Super Ma’am.

Masaya rin si Marian na maging superhero ulit. Dedicated ang series na ‘to para sa fans niyang naghintay para mapanood siyang muli.

“Maraming nagre-request na maging superhero ulit ako, so para sa kanila talaga itong Super Ma’am.”

Hindi na rin siya makapaghintay i-reveal ang costume at weapon na gagamitin niya dahil sure na matutuwa ang viewers dito.

Gagampanan ni Marian si Minerva Henerala, isang high school teacher na madalas asarin at pag-tripan ng mga estudyante niya dahil sa pagka-weird nito.

Lumaki siyang naniniwala sa mga Tamawo o mythical creatures na may kakaya­hang mag-anyong tao.

Sa umaga ay isa siyang good teacher sa mga pasaway niyang estudyante.

Dahil sa isang encounter sa mga Tamawo, nagbago ang buhay niya at nagta-transform siya into a femme fatale heroine o Super Ma’am na may fantastic adventures sa pagpuksa ng mga masasamang elemento.

***

Patuloy pa rin ang pag-arangkada sa TV ratings ng Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi.

Ayon sa August ratings data ng Nielsen TV Audience Measurement, KMJS ang most-watched GMA program nationwide.

Ito rin ang nangunguna sa parehong listahan ng top programs sa viewer-rich areas na Urban Luzon at Mega Manila.

Inaabangan at pinag-uusapan ng mga manonood ang bawat episode ng KMJS dahil sa mga kuwentong Pinoy nito na nakakaiyak, nakakatuwa, at nakaka-inspire.

Hindi lang sa Pilipinas trending ang KMJS kundi pati na rin sa mga international television programs at news organizations na nakakapansin dito.