Marian , nakakandado na sa GMA7!

marian-rivera-gma

Three-year contract ang pinirmahan uli ni Marian Rivera sa GMA 7 kahapon.

         Pinangunahan ni Atty, Felipe Gozon ang contract signing, kasama sina Mr. Jimmy Duavit, Ms. Lilybeth Rasonable at ilan pang top executives ng GMA at ng taga-Triple A na sina Rams David at direk Michael Tuviera.

          Hindi kinumpirma ng ilang taga-GMA 7 kung ilang taon ang pinirmahan ni Marian sa Kapuso network, pero kinulit si Rams David ng Triple A, at sinabi na lang niyang standard naman daw yung three years.

          “Ah yun, sinabi na,” pakli ni Marian.

          Wala pang ideya ang Kapuso primetime queen kung ano ang gagawin niyang programa pagkatapos ng ‘Super Ma’am.’ Pag-uusapan pa raw nila iyun sa mga top executives ng GMA 7, bahala na raw sila kung ano ang nakakabuti sa kanya.

“Kung ano ang gustong ibigay sa akin ng GMA, lahat iyun ipinagkatiwala ko sa kanila,” saad ng aktres.

Gusto na nga raw  nila ni Dingdong Dantes na masundan na si Zia, pero kung wala pa naman, tuloy pa siyang magtrabaho.

          “Ang maganda sa GMA nirirespeto nila ang personal kong buhay.

“Sabi ko nga gusto ko magka-baby, nasa Panginoon pa rin yun kung ibibigay Niya sa akin,” pahayag ni Marian.

          Doon pa rin sa contract-signing ay masayang sinagot ni Marian ang tungkol sa pagkikita nila ni Karylle.

          Hindi naman daw isyu ‘yun dahil ilang beses naman daw silang nagkita ni Karylle at nagkakabatian daw sila.

Ani Marian: “Paulit-ulit ko naman sinasabi na since day one wala naman talagang problema. Siguro nagkataon lang na sa tamang panahon ay nagkita kaming dalawa. So, okay na ‘yun wala naman talagang problema.”

Kahit nga kay Antoinette Taus ay nagkaroon din daw ng chance na nagkita sila at nagkabati naman daw sila.

“Wala naman akong mapapala kung iimpok ko sa sarili ko ang mga negative. Kaya relax ka lang, Ano pa ba ang ia-ask mo? Sobrang thankful lang ako.

          “Ano naman ang mapapala ko sa pagba-bad vibes di ba? So, wala talaga,” sabi pa ni Marian.

          Kung ano man ang plano ng GMA 7 sa susunod na programang gagawin ng Kapuso Primetime Queen, sana magkaroon naman ng pelikula si Marian.

          Nakakontrata pa kasi siya sa Regal Multimedia, at depende raw kay Mother Lily kung ano ang gagawin niyang pelikula.

          “Sana gusto ko makagawa talaga kasi parang ‘yun na lang ang kulang sa akin. Parang na-miss ko gumawa ng movies eh,” mabilis na sagot ni Marian.

“Actually, ang asawa ko ang nagpu-push sa akin na bakit hindi ka gumawa ng pelikula. Mag-indie ka, gumawa ka.

          “Dati kasi sarado ang isip ko sa ganun na parang hindi ko kaya. So, isa siya sa mga dahilan kung bakit na-open yung isip ko bukod sa management ko na ‘ay oo nga ano, bakit hindi naman ako mag-try ng something new naman sa movie, like Cinemalaya, yung indie films, “dagdag niyang pahayag.

          Posible rin kayang mahiram siya ng Star Cinema at makipag-collaboration ang Regal para makasama niya ang ilang Kapamilya artists?

          “Hindi ko naman hinahanap ‘yung wala pa. Pag may pagkakataon, bakit naman hindi?” sagot ni Marian.

          Pero maganda nga kung makagawa siya ng isang family drama na posibleng makakasama niya sina Piolo Pascual, o ang kaibigang niyang si Angelica Panganiban o Angel Locsin di ba?

          Pero sa ngayon ay sa GMA 7 na programa muna ang uunahin niya. Ito raw ang priority niya dahil forever Kapuso raw siya talaga.

          “Hindi ko naisip na ang sarili ko ay nasa ibang istasyon. Never talaga.

“Dito lang ako. Kahit ayaw nila, dito lang ako,” nakangiting pahayag ni Marian.

Model, nilolipop ng Photographer

Nagulat kami sa nakarating sa amin na litrato ng isang photographer na

parang nakaluhod ito sa male model na pini-pictorial niya.

Nakababa na ang suot na trunks at tila kumakanta na si photographer ng

“You are my Lollipop…”

          Kitang-kita ang dila ni photographer na hinihimuran ang isang mataba na lollipop. Nakakaloka!

          Balik na naman ba ang ganitong klaseng  iskandalo?

          Usap-usapan na ngayon itong si  photographer na kilala sa showbiz.

          Mahilig siyang mag-pictorial ng mga male models ng libre at ewan ko lang kung ganun ang drama niya sa lahat na pini-pictorial niya.

          Abangan na lang natin kung kakalat ang iskandalong ito, na hindi naman siguro aabot pa sa senado!

Yun na!

MISS CALOOCAN 2018 CANDIDATES, PATALBUGAN

Ipinakilala sa media nung nakaraang linggo ang 25 official candidates ng

Miss Caloocan 2018. Mahigpit ang labanan nila at patalbugan talaga.

          Ginanap ang press launch sa Bulwagang Katipunan ng bagong City Hall ng  Caloocan. Hindi lang ang mga nagagandahang kandidata ang pinag-usapan kundi  pati na rin ang bagong City Hall  sa 8th Avenue na malinis , maganda at napakalamig ang function rooms nila.

       Sa February 24 ang coronation night  ng Miss Caloocan na gaganapin sa City Sports Complex.

          Makakasama rin ang mga Miss Caloocan 2018 candidates sa pagdiriwang   ng anibersaryo ng Caloocan Cityhood,.Magkakaroon ng mga feeding program, medical at dental mission sa ilang charitable institutions kagaya ng Tahanang Mapagpala.

          Makikiisa rin sila sa Chinese New Year Countdown na gaganapin sa Monumento sa February 15. At magiging bahagi rin sila sa Outstanding Citizens of Caloocan Awards na gagawin naman sa February 16.

          Magiging annual na itong pagpili ng Miss Caloocan, para maiparating sa lahat ang malaking pagbabago ng Caloocan sa ilalim nang pamumuno ni Mayor Oca Malapitan.