MARIAN, NIYAYA NI ANGEL NA MAG-MERIENDA

Marian Rivera

NAG-SONYA’S Garden ang mag-asawang Ma­rian Rivera at Dingdong Dantes nu’ng Valentine’s Day.

Doon sila sa secret garden ni Aling Sonya sa Tagaytay kasama ang kanilang daughter na si Zia.

Nagmu-moment pa rin ba ang DongYan na silang dalawa lang, wala si Zia?

“Oo naman, ‘pag tulog ‘yung anak ko,” natatawang sagot ni Marian nang matsika namin siya kahapon sa renewal of contract niya sa Biofitea.

Wala ba silang Valentine chorva ni Dong?

“Baka mamaya na lang. Alam mo, ‘pag may anak ka, minsan hindi na ‘yun ang concern namin. Siyempre, hindi naman maiaalis, pero nag-iiba talaga, eh.

“Hindi naman nabawasan (‘yung sex), pero alam mo ‘yung mag-iiba ang prayoridad mo?

Alangan namang magganu’n kayo, nandu’n ‘yung anak ko? Hindi ko kaya.”

Malapit nang magbalik-teleserye si Marian dahil patapos na ang Alyas Robin Hood ni Dingdong.

Napagkasunduan nila ni Dong na ayaw nila na sabay silang may regular teleserye dahil kawawa ang daughter nila.

Weekly ang bagong TV show ni Dingdong na Case Solved.

Ayaw pang magbigay ng detalye ni Yan, pero pambata ang gagawin niyang bagong Kapuso serye at mga tsikiting ang makakasama niya.

Ayaw niya ng heavy drama na sobrang mapapagod siya pag-uwi niya sa anak niya.

Okey lang sa kanya ang fight scenes dahil na-miss niya ‘yong gawin.

After ng teleserye niyang ‘yon ay gusto ni Mrs. Dantes na sundan na si Zia.

“Sana, Lord. ‘Day, magti-33 na ako, magpapatumpik-tumpik pa ba ako?

“Kaya nga trabaho muna. After trabaho, go! Palaki ulit (ng anak). Tapos, trabaho ulit, go!”

Mga apat o lima ang gustong anak ni Marian. Ayaw niya ng isa lang.

Hanggang ngayon na 1 year & 3 months na si Zia ay nagpapa-breastfeed pa rin si Yanyan.

Nagso-solid food na rin si bagets kaya bawas na ang pagpapasuso niya. Nagmi-mix feeding na rin kasi ito.

Tuluy-tuloy ang pagpapasuso ni Yan, pero ngayong magtatrabaho na ulit siya ay mababawasan na ‘yon.

Kahapon ay punumpuno ng gatas ang dibdib ni Marian kaya gusto na niyang umuwi agad para magpa-breastfeed.

Dahil sa malaki na si Zia ay grabe na ito mag-latch sa kanya at kung makasipsip ito ng gatas ay parang buong kaluluwa niya ang hinihigop.

After manganak ay medyo lumaki ang balakang ni Yan, pero napanatili niyang sexy ang katawan niya at hindi siya tumaba.

Aniya, isa sa dahilan kaya siya payat ay ang pagpapadede niya sa anak niya.

97 lbs. lang ang timbang ng gandarang si Marian na 21-inch ang waistline.

***

May itinayong flower business ang mahilig sa bulaklak na si Marian, pero secret muna.

Saka na pagbukas na ng Flora Vida dahil baka ma-preempt ang business na naisip niya.

Angel Locsin
Angel Locsin

Ang dami nang nagdi-DM sa kayang flower shop kung anong gagawin niya.

Hands on si Yan at inaral niya ang flower business niya, pati ang mga vase na paglalagyan nito ay kinarir niya.

Bulaklak at buhay ang ibig sabihin ng ‘Flora Vida’ na sila ni Dingdong ang nakaisip.

Nakita namin ‘yung outtakes sa photo shoot ni Marian kasama si Angel Locsin para sa isang glossy magazine na lalabas next week.

Sey ni Yan, okey silang dalawa ni Angel. After ng shoot nila ay magka-text sila ni Gel at niyayaya siya nitong lumabas sila for lunch or merienda.

‘Yun yata ang first time na nagpa-magazine shoot si Angel na maiksi na ang kanyang buhok.