Lumabas ang pagiging overprotective ni Marian Rivera nang minsang mahingan siya ng pahayag kung paano niya pinoprotektahan ang kanyang mga anak na sina Maria Letizia at Jose Sixto Dantes laban sa peligrosong nCoV o coronavirus.

Sey niya, bilang magulang, sobra raw siyang nababahala sa pagkalat ng nasabing sakit na wala pang lunas.

Kaya naman, lagi raw niyang binabantayan ang mga ito mereseng sabihing sobra siyang protective.

Concerned din daw siya, kung saan pumupunta ang mga ito lalo na’t iniiwas daw niya ang mga ito sa crowded places.

“As much as possible, kailangan ‘yung environment makikita mo. ‘Yung mga kalaro niya, kasama niya sa school, kung may sakit ba, may ubo ba?”, aniya. “Tsaka after school, after namin lumabas, kailangan talaga wash hands, palit damit. Siguro sa ganoong pamamaraan, sa training na ‘yun at least kahit papaano,” dugtong niya. (Archie Liao)