Marian, PALAKA kay Angelica!

Marian Rivera

ECHOSERANG FROG ang tawag ni Angelica Panganiban kay Marian Rivera.

In fairness ay magkaibigan ang dalawa at dahil kapareha ulit ni Angelica ang mister ni Marian­ na si Dingdong Dantes sa pelikulang The Unmarried Wife ay nagpasabi si Yan kay ­Angge na dadalaw siya sa set ng movie.

“Sabi niya (Marian)­ nu’ng first day ng shooting, ‘Bakla, dadalaw ako!’ Ganyan, isasama raw niya ‘yung anak (daughter nina Yan at Dong na si Zia).

“Sabi ko, ‘O, magluto­ ka na rin, mars!’ Sabi ­niya, ‘O, sure!’

“Ay, ‘Day! Tapos na kami, wala, hindi ko nakita! Ha! Ha! Ha!” natatawang pambubu­king ni Angelica sa napakong pramis sa kanya ni ­Marian.

Natawa lang si Dingdong sa kuwento­ ng Kapamilya actress dahil hindi ­niya alam ang tungkol sa usapan na ‘yon ng dalawa.

Patuloy ni Angge, “Wala, tinext ko nga (si Yan). Sabi ko, ‘Ano na, ‘teh? ­Palaka?’
“Sabi naman niya, eh busy nga raw.”

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

Natatawang sundot ni Dong, may dalawang araw pa silang natitira sa shooting ng The Unmarried Wife, so may chance pang bumisita sa kanila si Yan.

Eversince ay magaan ang loob nina Angelica­ at Marian sa isa’t isa. Friends sila kahit magkaibang istasyon sila.

“Opo. Baliw kasi, eh (si Marian). Parehas kami. ‘Yun ang mga gusto ko, eh. I like her!” maigting na deklara ni Angge, sabay tawa.

Nu’ng kasal ng DongYan ay imbitado si Angelica at nu’ng bridal shower ni Yan ay ­present si Angge.

Kahit hindi nagkikita ang dalawa, paminsan-minsan ay ­nagpapalitan sila ng mensahe sa ­Instagram.

***

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

May nasagap ­kaming tsika na crush ni Ange­lica ang astig na presidential son na si Baste Duterte.

Nang usisain namin ang 30-anyos na Kapamilya actress ay natawa siya at mabilis na nag-deny.

May nagtanong na rin daw sa kanya nu’n at ang sabi pa ay tinatawagan daw siya ni Baste, na hindi raw totoo.

Bet niya ang malakas ang sex appeal sa girls na si Baste?

“Well, nakakatakot magsalita, kasi anak ­siya ng Presidente! Ha! Ha! Ha!”
Ganern?! Pero bet na niya si Baste bago pa naging Presidente ang ama nito?

“Hindi ko naman bet. Kasi ‘di ba, may mga memes ‘yan na lahat ng running for President, may mga guwapong anak?

“So, parang for me, siya ‘yung nag-standout sa akin. Tapos, ­parang inasar na kami ng mga tao. Doon lang siya ­nag-start.”

Ah, so wala naman palang something sa pagitan nila ni Baste?

“Wala, ginagawan lang ako ng memes ng mga beki friends ko. Pumunta raw ako nu’ng inauguration (ni Duterte). Ine-edit nila ‘yung pictures ko! Ha! Ha! Ha!” tawa lang ng loveless ngayon na si Angelica.

***

Wagas ang sampal na natikman ni Dingdong Dantes mula sa The Unmarried Wife leading lady niya na si Ange­lica Panganiban.

Marami-rami na ring nakasampal kay Dong onscreen, isa ba si Angelica sa may pinakamabi­gat na kamay?

“Siguro, malinaw lang ‘yung hugot nu’ng karakter niya, sa sobrang lakas nu’ng impact,” medyo natatawang sagot sa amin ni Dong.

“Ako, nagpapasalanat ako ng gano’n. Kasi siyempre, minsan ko lang maranasan na hindi makarinig, ‘di ba?”

So, medyo nabingi pa siya after siyang masampal ni Angge?

“Minsan lang ‘yon, ‘di ba? At saka siyempre, mas nagiging­ authentic ‘yung eksena ‘pag gano’n. At kaming mga ­actors, ‘yun ang naa-appreciate namin.”

Na ano? Na malakas ang sampal?
“Sakto, sakto.”

So, isa si Angelica sa mga aktres na pinakamalakas manampal?
“Pinaka-passionate! Ha! Ha! Ha!”

Natutuwa si Dong na kapareha niya ulit si Angelica sa isang Star Cinema movie.

Bale pangatlong pagsasama nila ito after ng Segunda Mano (2011) at One More Try (2012) na parehong blockbusters.

Ayon kay Dong, ilang taon na rin ang nakalipas mula nang huli silang magtambal ni Angelica at ang dami nang nangyari sa mga buhay nila.

Sakto raw ang bagong drama project na ito para sa kanilang da­lawa, na kasama rin si Paulo Avelino.

Sa Nob­yembre 16 ang showing nationwide ng The Unmarried Wife.