LOOKING forward si Marian Rivera-Dantes na magkaroon ng bagong baby sa mister niyang si Dingdong Dantes.

‘Yun ang sabi ni ­Marian sa kanyang birthday message for ­Dingdong, na nag-36th birhday nu’ng Martes (Agosto 2).

Caption ni Yanyan sa pinost niyang lovelock pic sa Instagram, “Happy birthday, Mahal. You are the most loving, thoughtful and sweetest husband and father…

“Sobra ang pasa­salamat ko sa Pangi­noon na bini­yayaan ako ng isang ka­tulad mo. Mahal na mahal kita at gusto kong malaman mo na I am looking forward to ­having another little one with you soon.”

May kasama pa ‘yung hashtag na #BirthdayWish, so mukhang ‘yun ang wish ni misis para sa birthday ng kanyang mister.

Puwedeng ito rin ang wish ni Yan sa kanyang nalalapit na 32nd birthday sa August 12.

Parehong August-born ang DongYan.

May nakita kaming pics mula sa Dongyanatics na boodle fight ang ­ini­handang surprise b-day dinner ni Yan para kay Dong nu’ng Tuesday sa bahay nila.

Nakalatag sa mahabang lamesa ang mga ­dahon ng ­saging kung saan nakalagay ang sari-­saring pagkain at ­prutas na pinag­saluhan ng pamilya nila at malalapit na ­kaibigan.

May nakita rin kaming cake na may nakasulat na, “Happy Birthday Daddy, Dada, Papa, Tatay. Love, Baby Z.”

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Pahinga muna si ­Mommy Yan pagkatapos ng ­kanyang morning show at guest role sa Encantadia, so mukhang perfect time ito para ­ma-preggy ulit kung gusto na talaga nilang sundan si Baby Zia.

Si Daddy Dong na nag-guest din sa ­Enca ay actionserye ang next project sa ­Kapuso network na kasama sa cast sina ­Megan Young, Andrea Torres, Jaclyn Jose, Paolo Contis at Sid ­Lucero sa direksyon ni Dominic Zapata.

May series of shows ang mag-asawa sa Amerika sa September na unang rampa abroad ni Baby Z.

Parang bongga kung doon mabubuo sa US ang kanilang next ­baby!