Marian: walang masama na MAGPADEDE sa publiko

Marian Rivera

BUKOD sa simpleng selebrasyon ng pamilya para sa 1st birthday ni Baby Zia, naghanda ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng isa pang party para sa mga ninong, ninang at close friends kamakalawa sa Makati Shangri-La.

Nakita namin sa post ni Ai Ai de las Alas na dinaluhan niya ang party ng cute niyang inaanak, at meron siyang video post na nagpapa-breastfeed si Marian, pero may cover.

Napansin din namin sa post na iyun na merong isang basher na nagmamagaling na nag-comment na dapat ay hindi nagpapa-breastfeed si Marian on public.

Puwede raw itong pumasok sa isang kuwarto at lumabas na lang pagkatapos.

Hindi nakatiis ang GMA Primetime Queen, sinagot niya ito na walang masama kung nagpapadede sa publiko lalo’t merong takip.

“Hindi ka pa siguro­ nanay o wala ka pang anak kaya hindi mo maiintindihan,” bahagi ng sagot ni Marian.

Ipinaliwanag ni Ai Ai na walang private room doon dahil nasa isang function room sila na kung saan ginaganap ang birthday party ng bagets.

Sabi pa ni Ai Ai, “Ala­ngan naman sa CR mo padedehin si Z..kaya nga ginawa ‘yung BREASTFEEDING INFINITY SCARF FOR BABY (nursing cover) para sa mga situation na ganito.”

Pati si Gerald Sibayan ay nag-react din na pinapa-google sa taong iyun kung ano ang ibig sabihin ng Infinity scarf for baby.

***

Active si Marian sa pag-promote ng breastfeeding.

Noong Biyernes lang ay binigyan pa ang aktres ng recognition mula sa isang grupo ng mga ina at nurses dahil sa bago niyang advocacy.

Proud si Dingdong sa bagong achievement na ito ng kanyang asawa.

Sabi ng GMA Primetime King sa isang post sa IG, “I am so proud of my wife for being able to fulfill her personal commitment of breastfeeding our baby till this very day.

“This photo was taken­ last Friday while she was delivering her thank you speech after being awarded by the Mother and Child Nurses Association of the Philippines, Inc.

“Your ‘support group’ will always be behind you to boost your drive, 100 percent! Maraming sa­lamat sa iyo. Swabe ka, mahal ko.”