Marian at Zia, enjoy mag-window shopping sa Santorini

DINGDONG at MARIAN

FIFTEEN days pala at hindi lang five days ang bakasyon sa Europa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang anak nilang si Letizia.

Bago sila mag-Spain para ma-meet ni Zia ang Spanish lolo nito ay nag-Greece muna ang pamilya.

Ang ganda ng view ng dagat mula sa tinutuluyan nilang hotel sa Santorini.

Ang cute ng unang pic na pinost ni Dong sa Instagram na nagki-kiss ang mag-inang Marian at Zia habang nakaupo sa bench by the port na may mga boat pang naka-dock sa pampang.

Sobrang cute din nu’ng kuha ni Dong sa kanyang mag-ina na umaakyat sa hagdan at ang caption niya ay, “The traditional, ‘Ay, may daga!’ pose,” kaya nakaangat ang isang paa ni Yan at ni Zia, na parang may dadaang daga.

Puma-family goals na naman ang tatlo sa cute shot nila na pawang naka-duck face sila, na pinauso ni Zia, at ‘yung magkakahawak silang tatlo habang naglalakad sa may port.

Naka-bright-colored maxi dress si Marian, na ang sey niya sa isang post niya, “The colors reflect my life in full bloom.”

Super-smile ang mag-mommy sa isang pic, na ang sabi ni Yan ay na-enjoy nilang mag-window shopping sa quaint streets ng Fira, Santorini.

Kilala ang lugar na ‘yon sa mga kulay puting bahay at gusali na nasa may gilid ng bundok.

Kahapon ay nasa IG Stories ni Dong na nag-Red Beach sila at may sweet shot sila ni Yan na nasa isang mataas na place sila at overlooking ang view sa ibaba.

MARIAN, ZIA at DINGDONG
MARIAN, ZIA at DINGDONG

Ka-join na si Zia sa listahan ng youngest jetsetters na celebrity kids dahil sa mga biyahe nila ng parents niya.

Ikaapat na bansa na ito ng 1 year & 5 months na bagets, na isa na ring little fashionista kagaya ng nanay niya.

Honeymoon levels ang Santorini trip ng DongYan, so hindi kami magtataka kung magkakaroon ng kasunod si Zia na made in Greece.

Tulad ni Marian ay magbabalik din ang karak­ter ni Dong na si Raquim sa Encantadia.

Tutok na tutok ang Encantadiks sa huling tatlong linggo ng Enca at isa sa inaabangan ay ang muling pagtatagpo nina Raquim at Mine-a (Marian)!