Muling nakapana­yam ng Tamba­yan ng Tsika Tonite, online show ng Abante Tonite ang Viva Hot Babes na si Maricar Dela Fuente. Hindi lang ang kanyang negosyong pagluluto ang naglalagab­lab ngayon. Kasabay rin kasi ng kaniyang negosyo ay ang pagamit ng kanyang talento sa pag-awit at pagsayaw.

Ito na ang bagong pinagkakaabalahan niya ngayon.

Aniya, “Okay naman po, medyo busy. Busy sa upcoming show. Mga show tsaka sa mga kids pa rin. Sa March 1 po, mayroon ako business partner sa Pied piper gastro lounge. Sa may Manila Bay red planet po sa tapat ng US Embassy.

“So It’s a one year anniversary po ng restaurant. So mayroon po kaming show ni Ms. EB Babe Molly. Si Molly po siya yung kakanta with Ukelele. Siya yung GF ng teacher ko sa Ukelele rin. Tapos ako iibahin ko naman yung concept, so kakanta ako with dance.”

Si Maricar Dela Fuente ay miyembro ng Viva Hot Babes na hanggang ngayon ay under-contract pa rin sa Viva Entertainment.

Dahil chef din siya, kaninong aktor niya ibibigay ang Luto ng Diyos?

“Kay Papa P kasi ang ganda ng mata tsaka ang pogi niya talaga eh. Malalaglag panty ko.”

Paano kung batang la­laki ang luma­lapit sa kanya?

“Naku di po ako mahilig sa bata eh. Parang feeling ko po, anak ko na eh. Hindi kita magtatagpo eh. Mas gusto ko yung matured mga 10 years. Iba kasi yung pananaw.”

Sino sa mga artista bukod kay Piolo Pascual, ang hindi niya mahihindian?

“Noon pa man nakikita ko siya sa gym si Albert Martinez. Maganda ang katawan tsaka attractive po yung mukha niya eh.”

Ngayong gabi ay magpe-perform si Maricar kasama si EB Babe Molly sa Pied Pepper, 10pm.