tonite-imo-vinia-vivar

Puring-puri ni Maricel Soriano ang anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde sa husay nitong umarte sa upcoming serye na “The General’s Daughter.”

Magkasama sina Maricel at Arjo sa nasabing Kapamilya drama series na pinagbibidahan ni Angel Locsin at mag-ina ang kanilang role kaya naman lagi silang magkaeksena.

Ayon kay Maria, talagang nagulat daw siya sa husay na ipinakita ni Arjo sa pagganap bilang autistic person. When asked kung paano niya ire-rate ang aktor in a scale of 1 to 10, perfect 10 ang ibinigay ng Diamond Star.

Aniya ay bihira raw siyang magkaroon ng katrabahong napakahusay na tulad ni Arjo.

“Mahusay siya na sobra akong tinatablan pagka umaarte. Kasi siya ‘yung anak ko, every time na makikita kong umiiyak ang anak ko, it breaks my heart.

“Kaya hindi ko mapigilan ‘yung sarili ko na. . . ‘yung paghanga ko sa kanya, nabo-vocalize ko talaga,” papuri ni Maria.

Nahingan naman ng reaksyon si Arjo sa napakagandang mga sinabi sa kanya ni no less than Diamond Star at aniya ay sobrang thankful daw siya. Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Marya at sobrang honored daw siya na makatrabaho ang lahat ng magagaling na cast.

Aside from Angel and Maricel, kasama rin sa “The Gene­ral’s Daughter” sina JC de Vera, Paulo Avelino, Eula Valdez, Tirso Cruz III, Albert Martinez, Ryza Cenon at ang LoiNie loveteam na sina Loisa Andalio and Ronnie Alonte.
Pero prior sa 10 ratings na binigay ni Marya kay Arjo, naunang hingin ang kanyang ratings in a scale of 1 to 10 for Angel bilang aktres at ang ibinigay niya ay 8.

Bongga! Mas mataas ang ratings niya kay Arjo, huh!

Anyway, magsisimula na ang “TGD” sa Jan. 21 sa primetime slot ng ABS-CBN.

Janine nag-react sa pananakit ni Elmo kay Janella

Grabeng panggigisa ang nangyari ka Janine Gutierrez kahapon mula sa press sa mediacon ng pelikulang “Elise” under Regal Entertainment.

Tala­gang kinulit-kulit siya tungkol sa tunay na estado nila ni Rayver Cruz na kasama niya pang nagbakasyon kamakailan sa US kasama ang mga kapatid at pamilya sa father’s side.

Siyempre, ang hinala ng lahat ay talagang sila na pero mas maganda kung maririnig ito officially mula sa dalawa.
Pero sey ni Janine, hindi pa raw sila na siyempre ay ayaw paniwalaan ng press.

When asked kung bakit ayaw pa nilang gawing official, masaya niyang sabi, “well, I guess, wala na namang hadlang. Well, dati kasi, noong una, I guess, medyo noong una kasi, parang pinipigilan ko lang na maging mas­yadong seryoso rin. Kasi nga, ‘yung mga experiences from the past.

“Pero nga­yon, wala na actually na rason para hindi.”

Pero talaga raw wala pa silang opisyal na relas­yon at wala pa rin daw silang anniversary date. Mas ok daw ang ganitong set-up sa ngayon sa kanila dahil hindi naman daw sila nagmamadali.

At dahil nga nabanggit na rin niya ang kanyang past, natanong sa kanya kung na­balitaan ba niya ang tungkol sa nangyari sa relasyon ng ex-boyfriend niyang si Elmo Maga­lona at Janella Salvador.
“Opo,” sagot naman niya.

As we all know, naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa dahil ayon kay Janella ay sinasaktan siya ni Emo.
Natanong si Janine kung capable ba talaga si Elmo na manakit ng babae at ayon kay Janine ay wala naman daw siyang ganung experience sa ex-boyfriend.

“Sa pagkakakakilala ko sa kanya, wala po akong ganung personal experience. But I don’t know anything so I don’t really want to say anything,” she said.

Anyway, happy si Janine na may pelikula agad siya sa pagpasok ng 2019 at opening salvo rin ng Regal Entertainment. Showing na sa Feb. 6 ang “Elise” mula sa direksyon ni Joel Ferrer.