Nakilala na ng Diamond star na si Maricel Soriano ang dyowa ng kanyang anak-anakan na si Vice Ganda. Nangyari ito sa “It’s Showtime”.

Naguwapuhan pa nga si Maricel kay Ion Perez. Pero siyempre, gusto rin magpaka-sigurado ng aktres sa dyowa ni Vice at tinanong kung mahal niya ito.

Sey ni Ion, “Ito lang ang masasabi ko sa inyo, ‘yung anak niyo ay mamahalin ko nang lubos, sapat at tapat.”

Sa huli ay nagbigay pa ng payo si Maricel kay Ion. Aniya, “Maging mabuti ka sa anak ko, huwag mo siyang lolokohin. ‘Yun lang ang hinihiling ko. Alam mo masarap maging maligaya.”

May banta pa siya kay Ion kung sakaling saktan niya si Vice.

“Alam mo sabi nila masarap lang daw sa umpisa. Pero huwag mong gaganunin si Vice, hahanapin kita. Gusto ko kapag sinabi mong mahal mo siya, mahal mo na siya forever.”

Puno naman ng hugot ang banat ni Ion sa Diamond Star. Aniya, “Ang pag-ibig naman po namin ay parang halo-halo, habang tumatagal mas lalo siyang sumasarap.”

Labis naman na natutuwa si Maricel para kay Vice. Masaya siya na nahanap na nito ang totoong kaligayahan. Nais rin kasi niya na ipinagmamalaki ang anak-anakan at hindi itinatago. (Rona Ronda)