Sa paggi-guest ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa “TWBA” ay natanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda sa ‘Fast Talk’ segment ng nasabing show.

Between William Martinez at sa elder brother nitong si Albert, si Albert ang pinili ni Marya.

May mga naloka sa sagot ng Diamond Star, to think na si William ang kanyang ka-love team noon.

May mga nagtatanong tuloy kung hindi maganda ang naging hiwalayan nina Marya at Kulit sa huli nilang pinagsamahang proyekto noon? Baka naman daw mas bilib ang aktres sa kakayahan ni Little as an actor na nakasama niya sa teleseryeng “The General’s Daughter”.

Anyway, balik-horror si Marya sa “The Heiress” bilang isang mambabarang.

Kasama niyang mananakot sa November 27 sina Janella Salvador, Sunshine Cruz, Jerome Ponce at Jane de Leon. (Archie Liao)