Isa sa masasabing asset ng TV entertainment hindi lang dahil sa kanyang husay mag-report sa “TV Patrol” local man o international showbiz scene at celebrities kundi ang angkin niyang alindog.
Nakakamangha ang kaseksihan ni Marie sa latest photo posting niya ng kanyang larawan sa Instagram. Kuha ito sa isang volcanic resort sa Japan.
Naka-two piece si Marie at talaga namang nakakabilib ang kanyang kaseksihan.
Mala-Victoria’s Secret angel ang pigura niya.
Malalaman na talagang binusog na ace entertainment TV reporter ang kanyang katawan sa gym at disiplina sa diet.
Kung abs din lang naman ang pag-uusapan at flat tummy, meron nito si Marie.
Effortless ang pagpapasilip ni Marie ng kanyang kariktan. Walang pretensyong ipangalandakan ang kanyang best body dahil meron naman siya nito.
Hindi na niya kailangan pang mag-pose nang kung ano-ano na parang nang-aakit dahil sa katawan na lang kahit sinong lalake ay maglalaway sa kanyang kaseksihan.
Si Marie ay mother of 1 kid. Pero ang kanyang pigura ay parang hindi nagsilang ng sanggol.
Kung ang social media ay naglipana ang mga mixed-blood o mixed race, lutang na lutang naman ang Asian beauty ng showbiz field reporter.
Masuwerte ang hubby ni Marie dahil nakasilo siya ng isang babaeng loaded sa mga katangian: beauty, brains and sexy body.