MARIEL, ‘BIBINYAGAN’ NI COCO

Mariel De Leon

HAVEY: Excited si Coco Martin sa kanyang first directorial job sa Ang Panday na official entry to the Metro Manila Film Festival 2017.

Pinulido ng Team Panday ang materyal bago pa man isinubmit ito at gustong linawin ni Coco (na Direk Rodel Nacianceno) na hindi ito kaparehong kuwento sa orig na Panday na likha ni Carlo J. Caparas kundi take off ito mula sa sa Panday ni FPJ sa present.

Nananatili itong tunggalian ng mabuti at masama, at uuwing masaya ang mga bata at buong pamilya na may baon na aral at magandang matututunan sa pelikula.

Napag-alaman din namin na parang pamilya pa rin ang atmosphere sa set ng kanyang first directorial job.

Mga kilala at pamilyar na ring tao kay Coco ang kasama niya sa proyekto. Mga idols, kaibigan at colleagues sa iba’t ibang projects niya ang kasama sa cast.

Kabilang dito sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Michael de Mesa, Agot Isidro, Albert Martinez pati na ang lahat ng policemen sa Ang Probinsyano, kasama na ang mga bata sa naturang top rating teleserye at sa Dear Heart.

Isang FRESH face ang ‘bibinyagan’ ni Coco bilang leading lady — ang magandang anak na mahal nating kaibigang Sandy Andolong at Boyet de Leon na si Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon.

Exciting ang kumbinasyong ito at sigurado akong huhugot ng galing sa pag-arte si Mariel mula sa kanyang mga magulang na kapwa mga premyadong artista.

Namumukod-tangi si Mariel dahil bukod sa ganda, taglay niya ang matibay na karakter at spunk at talino para magkaroon ng sariling prinsipyo at diskarte sa mga bagay bagay.

Coco Martin
Coco Martin

May sarili siyang huwisyo at ganda bilang tao, artista, at ngayo’y beauty queen na.

Ito na ang magiging biggest break for Mariel so far at mukhang desididong pagsabayin ang shooting ng pelikula at paghahanda para sa kanyang international pageant.

Meron pang isang pang-international ring magiging leading lady ni Coco pero abangan natin kung saswak ang sche­dule nito.

Basta, nilinaw ni Coco na ang pera at resources na gagamitin niya para sa darating sa MMFF2017 ay kanya at kanya lamang para wala syang ibang sisi­sihin pag nalugi siya.

***

Aiza Seguerra
Aiza Seguerra

WALEY: The MMFF saga continues. Kahapon, sa gitna ng maraming nagpupuyos na boses at damdamin, heto ang pagtanggol ni Aiza Seguerra sa asawang si Liza Diño.

Sabi ni Aiza, “Mala­king bagay ang pagi­ging pinuno. Ikaw ang nagbibigay ng direksi­yon na tatahakin, namimili ng mga taong nararapat para makamit ang layunin.

“Bilang isang chairman ng collegial body, it is your job to steer the direction of discussions papunta sa kung ano ang vision ninyo.

“Liza Diño-Seguerra is NOT the chairperson of MMFF Execom. She may be the head of FDCP (that’s why she is part of MMFF execom) but MMFF is NOT FDCP’s program.

“Liza is NOT the decision maker ng MMFF. Unfortunately, isa lang siya sa mga boses sa 24 nakaupo na may kanya-kanyang agenda.

“Kung ano man yung mga agenda na iyon, obvious naman na siguro. This is a big factor kaya nabalik na naman sa dati.

“Kung paano naka­balik ang mga dapat hindi na kasali sa execom, hindi ko alam.

“I know how Liza, along with sina Sir Ricky, Kara and the others, fought for finished films; na ma-retain ‘yung vision at mas lalong pagandahin pa ito.

“Sleepless nights, heated discussions, luha at lahat na. Unfortunately, they were outnumbered.

“Unfortunately, hindi ito ang gustong direksyon ng namumuno at ng majority ng committee. Ganon kasimple.

“The others resigned. I even told my wife to resign dahil ako na ‘yung nasasaktan para sa kanya.

“Ano pang laban mo? How can you steer the bus kung ang lahat ng nakasakay ay iba ang gustong puntahan at hindi naman ikaw ang may hawak ng manibela?

Liza Diño
Liza Diño

“But despite of all these, she chose to stay para kahit papaano, kahit nag-iisa, may representation pa rin ang mga artists na kagaya natin.

“Ma-voice out pa rin ang mga gusto natin mangyari, kahit pa bingi ang kanyang mga kausap.

“To those people who say bad things about Liza because of this MMFF issue, who questions her integrity; I hope you know what this woman goes through every single day just to make sure filmmakers and the rest of us in this industry will have a fair chance.

“Hindi lang sa panahon ng MMFF pero sa buong taon. Hindi lang sa Pilipinas pero sa buong mundo.

“It is not an easy feat, considering that we have no laws to really protect us.

“To those people who’s saying she’s not doing her job, she’s everywhere talking to people, looking for partners, implementing new programs, giving us more platforms and looking for more things that she can bring here to be­nefit the people in the industry while you are in your seat, comfortably yakking on Facebook about how she’s doing such a lousy job.

“Say what you want but do not question her love for this art and our industry. Do not question her integrity.

“Kung si Liza Diño-Seguerra ang namumuno ng MMFF, believe me, it will be very different from what is happening now,” pagtatapos ni Aiza.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.