ANG daming na-touch sa mga litratong nai-post ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na nakatalikod na nagdarasal bilang pasasalamat sa Diyos sa pagkapanalo ng anak na si Mariel de Leon bilang Bb. Pilipinas-International.
Pawang pasasalamat sa Diyos ang ipinost nina Boyet at Sandy sa Facebook.
Naintindihan ni Mariel kung sa hotel na lang nanood ang magulang niya at mga kapatid.
Alam niyang mas kabado sila sa pagsali niya uli sa naturang beauty pageant.
“It’s natural, cause they’re parents,” pakli ni Mariel.
Malapit lang ang Novotel sa Araneta, kaya baka bago in-announce ang winners, tumakbo na sila para panoorin ito.
Touching ang video ni Sandy nang pinuntahan na nila ni Boyet si Mariel sa backstage.
Sabi ni Sandy sa interview ng PEP, “We think mas ano pa kami eh. We’re more nervous than she was. So, we’re very, very happy for her. Finally, her dream came true.”
Bago ang competition, marami ang nagsasabing posibleng makuha ni Mariel ang Bb. Pilipinas-Universe, pero ang Bb. International ang nasungkit niya.
“I wanted International naman, aside Universe. It’s equal to me. So, I’m happy,” pakli ni Mariel.
Malaking challenge ito sa kanya dahil si Kylie Versoza ang kasalukuyang Ms. International.
Magagawa kaya niyang i-back to-back ang Ms. International crown?
Paano nanood sa tv, eh delayed telecast yun. Paki explain lang, haaaaaaaay naku