Mariel dismayado sa nagkalat ng COVID test ni Sandy

NI: RONA RONDA

Marami ang nabahala nang mag-positibo sa COVID-19 ang “Love Thy Woman” actor na si Christoper de Leon. Patunay lamang ito na walang sinisino ang nakamamatay na virus.

Nabunutan naman ng tinik ang mga

netizen at fans ng aktor nang ma-discharge siya sa ospital, matapos umayos ang kalagayan.

Samantala, hindi na naiwasan ng anak ni Christoper na si Mariel de Leon na ilabas ang kanyang frustration matapos ilabas ng isang news outlet na nag-negatibo ang kanyang ina na si Sandy Andolong sa nasabing virus.

“Christopher de Leon released from hospital, Sandy Andolong tests negative for #COVID19…,” saad ng report.

Hindi natuwa si Mariel sa post ng PhilStarShowbiz kaya naman nanawagan siya rito. Aniya, “FAKE NEWS My mom hasn’t ‘tested negative. ‘Y’all are a legit news outlet. You posted fake/unconfirmed news. Please do better.”

Hindi naman niya idinetalye kung positibo ba ang ina o hindi ito sumailalim sa COVID-19 test.