
BANNER story kahapon sa aming mapagpalayang pahayagan ang volt together efforts ng Mocha Uson fanatics na hindi kayang tanggapin ang katotohanan dahil sakit na sakit sila sa mga pahayag ni reigning Bb. Pilipinas International Mariel de Leon.
Major-major pasabog ang tweets ni Bb. Mariel patungkol sa appointment ni Ms. Margaux bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Here, there and everywhere ang maanghang at masasakit na birada at tirada para kay Mariel.
The ignoramuses cannot handle the truth. Pakiwari nila, tadyak sa mga bayag ang mga very well thought off at well constructed statement ng ating newly minted Ms. International.
Ang panalo rito, pag indibidwal ay kumilos ayon sa kanyang ganda, ang dating, “I am woman, hear me ROAR!”
Hindi siya kuting na meow-meow lang ang kayang gawin. Hindi rin siya bitch in heat na walang wawang tahol ang kayang gawin pero pag kumasa ka at ipinakitang mas alpha ka, babahag ang buntot at tatakbo.
Sa mga nagtatanggol sa appointment ni Bb. Margaux, alam ninyong wala ito sa hulog at patotoo ito na hindi lahat ng utang na loob ay dapat tanawin.
Kung kumpiyansa kayo na she is the best person this country needs, hindi kayo masasaktan, at lalong hindi kayo mapipikon sa mga ipinahayag ni Bb. Mariel.
Ito ang totoo na ewan kung bakit marami ang bulag sa katotohanan, “Fake and biased news will just bring our country down deeper than the dirt on our feet. Politics and corruption is poison for the soul of our country.”
Grace under pressure, she knows how to deal with the harsh realities around her.
Sa mga nagsasabing hindi siya dapat sumawsaw sa politika, “So para sa inyo, Crown over Country?”
Dugtong ni Mariel, “I’m not the type na puro showbiz lang. I’m not afraid to be criticized for it.”
Ngayong beauty queen na siya, gagamitin niya ang setro at korona for the greater good, “There are so much issues happening in our country now so I’m glad that I have the platform now to voice out my opinions.”
Pagtatapos ni Bb. Mariel, “See, beauty pageants aren’t just for standing there and looking pretty.”
Oh, what a lady she is!
Palakpakan na may kasamang sigawan para kay Mariel de Leon. Refreshing na may isa tayong beauty queen who speaks her mind and fights for her truth.
Bongga rin na ang isa pang passion ni Mariel, which is opera, eh lalong mapapalapit sa balana, dabarkads at madlang pipol.
Sa iba pang beauty queens na walang alam gawin kundi i-post ang kanilang OOTDs, bags at fashion hunts o mga pictures of posterity with their boyfriends, why don’t you all do a Mariel de Leon at ipadama ninyo sa amin na mahal ninyo talaga ang ating bayan?
di sa may pinapanigan pero the way na sinulat ang balitang ito ay parang may pinapanigan. News organization should be neutral when it comes to issues involving two parties. Abante Tonite you just show your real color.
Regarding Mocha Uson’s appointment. Please let us understand the word “appointment” meaning di sya nag apply sa trabahong ito na kailangan nya mag provide ng credentials. inappoint sya ng presidente sapagkat alam ng taong nag appoint sa kanya na komportable sya na makatrabaho ang isang Mocha Uson.Oo nga pala di lahat ng pagkakataon na ang taong may magandang credentials or may mataas na pinag-aralan ang laging nagtatagumpay or nag perform ng maayos sa isang trabaho minsan nasa diskarte at pag popursige ng isang tao nakukuha nya ang kanyang mithiin sa buhay.
Kasi naman yong ibang beauty queen tulad ni horseback.eh naano lng.ang nanay nya ng puti…kaya di talaga true blood pinay yon
I admire mariel for her guts aside from her beauty, beauty inside and out
i love her. tunay na beauty queen with a purpose.