Sa kanyang Instagram account ay nagbigay ng update si Mariel Rodriguez sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ni Robin Padilla na si Gabriela. Ibinalita niyang nag-improve na raw ang weight ng baby sa tiyan niya at napakaganda raw nito.

“I had an ultrasound today. I saw Gabriela she is beautiful!!! If you watched my latest vlog (link is on my bio) you would know that my OB asked me to go on a high protein diet because Gabriela wasn’t growing so much (pescatarian for 8 months ) and today she weighs approximately 4.5lbs yaaaay!!! The steak worked!!! Haha i am so happy and so relieved. Thank you God!!!” ang caption ni Mariel sa kanyang larawan.

Nasa last trimester na si Mariel ng pagbubuntis at update pa niya, mababa na raw ang posisyon ng ulo ni Gabriela.

“Another update is her head is now down getting ready for delivery. Pls pray with me I really want to push for another vaginal birth. Enjoying the last stretch of my pregnancy,” pagtatapos ng caption niya.

Kasalukuyang nasa US ngayon si Mariel dahil doon siya manganganak tulad din ng panganay niyang si Isabella.

Derek pakakasalan na si Andrea?

Sinagot ni Derek Ramsay ang ilang mga pangba-bash ng netizens hinggil sa relasyon nila ni Andrea Torres sa Instagram post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis.

May nagkomentong netizen na paano raw mapakakasalan ni Derek si Andrea gayung kasal pa ito at sinagot ito ng aktor ng “that’s not true”.

Matatandaang nagkaroon ng unang asawa si Derek noon at hindi na nabalita pa kung na-annul na ba ito. Pero sa sagot niya ngayon sa netizen, parang pagkumpirma ito na annulled na siya and binata na siya ulit.

Sa komento naman na nasa Dubai ang anak nila, sinagot din ito ni Derek na nasa kanya raw ang anak niya at sa kanya nakatira.

Pero kung may tumututol sa relasyon nila ni Andrea ay marami rin namang pabor at kinikilig pa nga sa kanilang dalawa.

Gown ni Judy Ann mataas ang starting bid

Nagbigay ng update si Judy Ann Santos sa isinusubasta niyang dalawang gown na isinuot niya sa Star Magic Ball 2018 and 2019.

“Natapos na ‘yung bidding sa Facebook but gagawa kami ng isa pa uling auction na Facebook Live para mas marami pang maka-participate. We’re just fixing the mechanics on how people could register and join,” pagi-inform niya nang makatsikahan namin siya sa presscon ng “Starla”.

Binanggit din niyang marami raw nakikigulo sa bidding na magbi-bid kunwari pero hindi naman pala totoong bibili.

Sinagot din niya ang sinasabi ng iba na masyado raw mataas ang starting bid ng mga gown. Ayon sa aktres, ang lahat ng pagbebentahan naman ay mapupunta sa Bantay Bata 163.

“Syempre, gusto mo naman na malaki agad ang maibibigay mo sa kanila, ‘di ba? Because the gown naman is, hindi naman siya mura to begin with. Kung baga, ‘pag may nakabili nu’ng Oscar dela Renta at 60, 70, 80, my God, napaka-good steal na ‘yun dahil ang mahal ng gown na ‘yun,” sey pa ni Juday.

Ang Oscar dela Renta gown ang isinuot ni Juday noong 2018 ABS-CBN Ball at ang starting bid nito ay P50,000. Ang isa pang gown ay gawa naman ni Yong Davalos na may staring bid na P20,000.