Mariel tameme sa giyera ni Robin

Maging ang veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis ay hindi pabor sa mga litanya ni Robin Padilla against ABS-CBN. Aniya, sa halip daw na makatulong ay lalo pang gumugulo ang mga issues.

“Ewan ko kung bakit ang daming hugot ni Robin Padilla sa mga nagaganap ngayon balita tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. Sa halip makatulong parang lalo pang gumugulo ang issues, na pati ibang istasyon, isinasali na niya,” simula ni Nay Lolit sa kanyang Instagram post.

Sana raw ay linawin ni Binoe kung ano ba talaga ang gusto nitong mangyari – kung gusto ba nitong masara ang ABS-CBN o hindi.

“Kung anuman saloobin niya, ilatag niya ng maayos, sabihin niyang direct to the point, at huwag na iyong paligoy-ligoy. Gusto niya maayos ang sitwasyon pero parang ang dami pa niyang issues na binubuksan.

“Sabi nga dapat maliwanag posisyon mo, nasa left ka ba o right, hindi puwede na pa safe na nasa gitna dahil mas ikaw ang masasagasaan, dapat meron kang side na kakampihan, at maliwanag dapat iyon.

“Gusto ba niya masara o hindi? Iyon lang, huwag na dagdagan pa ng issue na magkano kontrata ng artista, maayos ba lagay ng ibang tauhan, naging fair ba?

“Ayusin muna ang problema saka ipasok iyon iba pang dapat ayusin. Maganda points mo Robin, pero ngayon, iba ang inaayos, iyon muna ang tingnan mo, huwag iyon iba pang problema,” ang pahayag pa ng veteran columnist.

Marami namang netizens ang sumang-ayon kay Nay Lolit at ang dami ngang nang-bash kay Binoe sa comments section. Kung ano-ano ang itinawag nila sa action star, kesyo umano’y balimbing, mayabang, mahilig sumawsaw, kulang sa pansin, etcetera.

May mangilan-ngilan din namang nagtanggol kay Binoe na nagsabing may punto naman daw si Robin.

Pero sa lahat ng ito, kapuna-puna na tahimik lang ang asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez na as we all know ay isang Kapamilya rin. For sure ay naiipit ngayon ang TV host sa sitwasyon kaya hindi niya maipagtanggol ang mister at hindi rin naman niya maidepensa ang kanyang network.

Actually, si Mariel ang mas nasa mahirap na sitwasyon ngayon than Robin.

Annabelle kinontra si Eddie

Nakakaaliw si Annabelle Rama sa Magandang Buhay dahil bigla siyang napalabas sa stage nang wala sa oras dahil sa pasisinungaling daw ng asawang si Eddie Gutierrez.

Ang guest lang talaga dapat ay si tito Eddie kasama ang anak na si Richard Gutierrez at daughter-in-law to be na si Sarah Lahbati.

Natanong ng mga hosts si tito Eddie kung paano sila mag-away ng asawa at sagot ng veteran actor ay sinusuyo raw niya ang misis.

Pagkatapos nito ay tinawag ni tito Eddie ang asawa sa stage and normally, hindi talaga lalabas si tita Annabelle kahit anong tawag sa kanya dahil bihira nga siyang pumayag na lumabas sa telebisyon.

Pero lumabas siya talaga sa stage at nag-on cam dahil gusto niyang ikorek ang sinabi ng mister.

Never daw siyang sinuyo ng mister pag nag-aaway.

“Wala sa category ni Eddie Gutierrez na manligaw at saka makisuyo. Never. Kailangang ako na lang ang susurender para magbati na kaming dalawa,” sey ni tita Annabelle.

Hindi na nakakontra si tito Eddie at natawa na lang.

Pero nilinaw naman ni Annabelle mabait na ang mister ngayon.

“Siguro, kakadasal ko for 48 years, ngayon lang tumalab,” sambit ni tita Annabelle.