Swak sa kulungan ang isang 19-anyos na lalaki nang mabisto ang tangka nitong pagpuslit ng marijuana sa ginanap na concert sa Imus City, Cavite.
Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Ace Villena, residente ng Alfronso Village, Brgy. Alapan 1-B ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng Sabado ng gabi nang magpunta si Villena at kasama nito sa Imus City Sport Complex kung saan ginanap ang taunang Dambalasek concert.
Pero bago makapasok sa loob si Villena ay pinigil na ito ng barangay kagawad na si Celso Ayo at ni PO1 Leo James Ojeno, na nag-iinspeksiyon sa mga dala ng dadalo, makaraang madiskubre ang isang pouch sa bulsa ng suspek na tinangka pa nitong itapon.
Laman ng pouch ang apat na pirasong dahon ng pinatuyong marijuana na tumitimbang ng 5.4 gramo.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.