Buking ang marijuana plantation na minimintina ng Abu Sayyaf Group (ASG), nang matunton ito ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 7 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Mangal-Mangal, Barangay Masjid Punjungan sa Kalingalang Caluang, Sulu, Biyernes ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Oliver Baylon, Marine Battalion Landing Team 7 commander, nadiskubre ang marijuana plantation matapos ang ikinasang operation laban sa isang drug personality na nakilala lamang sa alyas na Sahabi sa Sitio Mangal-Mangal. Dito ay nadiskubre ang anim na plantation sites ng fully grown at ang dalawang plantation sites ng bagong tanim na marijuana.
May lawak na 2,100 square meters ang plantasyon na tinatayang nasa higit 22,000 fully-grown marijuana at nasa P5.1 million ang halaga, ayon sa PDEA.
Nabatid na si Sahabi ay tauhan ng ASG at ang marijuana plantation ang pinagkukunan ng pondo ng mga sundalo.
Winasak ng pinagsanib na puwersa ng marines at PDEA, kasama ang ilang tauhan ng Barangay Masjid Punjungan ang nasabing plantasyon. (Vick Aquino)