Tiniyak ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na magiging mayos ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga security measure at traffic rerouting scheme sa lahat ng kalsada na patungo sa limang nasasakupang sementeryo ng siyudad bilang paghahanda sa nalalapit na All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Una nang nagsagawa ng inspeksyon ang alkalde sa Loyola Memorial Park, Barangka Municipal Cemetery, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, at Our Lady of Abandoned (OLA) para masigurong malinis ang paligid ng mga sementeryo na walang sagabal o anumang ginagawang mga road repair.
Sa kabila nito, bumuo si Mayor Teodoro ng Oplan Undas Task Force na pinamamahalaan ni Councilor Manny Sarmiento na kinabibilangan ng mga tauhan ng Marikina City Police, Office of Public Safety and Security (OPSS), City Health Department, City Disaster Risk Reduction and Management Office-Marikina Rescue 161, Bureau of Fire Protection, mga barangay official at ilang concerned department na poposte sa limang sementeryo. (Vick Aquino)