Hindi pinahulagpos ang momentum, kinumpleto ng Marinerong Pilipino ang pagsilat sa Tanduay Rhum 65-64 sa quarterfinals kahapon para masikwat ang huling ticket sa PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
“When we were down by 10 in the start of the fourth quarter, the doubt was setting in. But we knew that we’ve been in this kind of situation before,” giit ni coach Koy Banal pagkatapos ng follow-up ng Skippers sa 74-72 Game 1 win noong Huwebes.
Abante ng isa sa nalalabing 29.7 seconds, sablay ang running shot ni Achie Iñigo, pero pinalad ang team na naroon si Robbie Herndon para masakote ang offensive board saka winaldas na ng Marinerong Pilipino ang mga huling tikada sa orasan.
Naitakda ng fifth-seeded squad ang best-of-3 semis series kontra No. 2 Cignal HD simula bukas.
Nagbaon si Herndon ng 13 points at 13 rebounds, two steals, kabilang ang go-ahead basket sa final 2:14, para angklahan ang Skippers sa pagbalewala sa twice-to-win disadvantage ng Rhum Masters.
Nirolyo lahat ni Renzo Subido ang 11 points niya sa payoff period para pamunuan ang 17-2 attack ng Skippers para umahon mula 56-46 deficit.
May bakas pa si John Lopez na 10 points at seven rebounds, at si Iñigo may nine markers, three boards, and two assists.
Namuno si Jerwin Gaco sa Tanduay sa 17 points at three rebounds.