Hinahanap na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang marino na nahulog umano sa karagatan sa Laguindingan, Misamis Oriental.

Tinukoy ng PCG ang biktima na si Dominador Calot Fuentes III, 33, ng Brgy. Baliangao, Misamis Oriental na nawala noong nakaraang linggo.

Isa sa mga crew member ng MV Grande Progreso, Japanese na barko, na biyahe patungong Brazil noong Enero 15.

Sa nasabing araw umano nang ipaalam ng barko sa Traffic Management System sa Misamis OrienĀ­tal ang pagkawala ni Fuentes at hinihinalang nahulog ito.