Mapalad si Erich Gonzales na siya ang unang FIlipina na nakapareha ng Thailand hottest actor na si Mario Maurer. Naging maganda ang bonding ng dalawa at ang aktres mismo ang nagturo rito magsalita ng tagalog.
Mahigit anim na taon na rin ang nakakalipas nang ipalabas ang pelikula nila na “Suddenly It’s Magic”. Naging mabuting magkaibigan ang dalawa hanggang ngayon.
Nagkomento pa nga ang aktor kamakailan sa larawan ng aktres.
Aniya, “Maganda.” Mukhang isa rin ito sa mga salitang natutunan niya sa aktres.
“Salamat,” tugon naman ni Erich.
Samantala, muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya Network si Erich.
Aniya, “14 years and counting.” Nagsimulang makilala ang aktres nang sumali sa Star Circle National Teen Quest taong 2004.