Marione diyeta sa birthday

Nagdiwang ng kaarawan si Marione (wala na siyang ginagamit na apelyido) nu’ng nakaraang Biyernes Santo nang ibang-iba sa kanyang nakasanayan na.

Hindi siya puwedeng mag-party, bawal, dahil sa social distancing. Mang-iimbita man siya ay wala rin namang darating, may lockdown, bawal tayong lumabas ng bahay.

Silang mag-iina lang ang magkakasama nu’ng birthday niya, ang kayang inang si Lala Aunor na matindi ang suportang ibinibigay sa kanyang singing career, saka ang bunso niyang kapatid na si Ashley na may sariling career na rin.

Nakakatuwa ang magkapatid na ito. Ayaw nilang maniwala na nu’ng dekada ’70 ay sikat na sikat ang kanilang mommy. Miyembro ng Apat Na Sikat si Lala Aunor katambal ni Arnold Gamboa.

Humihingi sila ng ebidensiya, wala namang maipakita ang kanilang ina, dahil sa pagpapalipat-lipat daw nila ng bahay nu’n ay nagkawalaan ang kanyang mga clippings.

Pero kailangang maniwala nina Marione at Ashley na nu’ng kasagsagan ng kasikatan ng kanilang mommy ay hindi ito makalalakad sa kalye nang walang mga security para sa kanyang kaligtasan.

Usung-uso pa nu’n ang pagsasabit ng sampaguita sa mga artista habang kumakanta sa entablado, hindi na halos makikita ang mukha ni Lala Aunor sa dami ng kanyang bulaklak, ganu’n katindi ang popularidad nu’n ng Apat Na Sikat.

Ang kantang “Dalaginding” at “Ah, Ewan” na pinasikat ni Lala ay pinatutugtog pa rin namin hanggang ngayon sa Cristy Ferminute. Aliw na aliw ang kanyang mga tagahanga, bumabalik daw sila sa dekada ’70, dahil sa mga piyesang ‘yun.

Hindi pinilit ni Lala sina Marione at Ashley na pumasok na rin sa mundo ng musika. Si Marione mismo ang nagsabi kay Lala na ang dami-dami na niyang komposisyon na baka naman puwedeng ilabas.

Nag-recording si Marione, ang dami niyang pinahanga, ikinukumpara pa nga ng marami ang kanyang boses sa banyagang singer na si Nora Jones.

May kakaibang timbre ang boses ni Marione, iba ang kanyang atake, malamyos na malinaw at nakaeengganyong pakinggan.

Rocker naman si Ashley, tulad ni Marione ay nagko-compose din ito ng mga piyesa, pero mas tutok si Ashley sa technical na aspeto. Kumpleto ito sa gadgets para sa mixing ng mga kanta.

Happy birthday uli, Marione, at sana’y matumbok mo na ang mga pangarap mo sa buhay na hindi mo pa hawak ngayon.

Mga artista nakagarahe

Maraming selebrasyong tinamaan ang enhanced community quarantine. Kasal, kaarawan, binyagan, reunion at marami pang ibang okasyon na kinailangang ipagpaliban dahil sa lockdown.

Walang humingi nito, walang may gusto, pero kailangan sundin ang mga ipinagbabawal para sa ating kaligtasan sa mapamuksang coronavirus.

Ngayong mga panahong ito pa naman maganda ang kinikita ng mga wedding planner, ng mga nagdadala ng mga artista sa fiesta sa mga probinsiya, pero lahat sila’y parang mga sasakyang nakagarahe lang ngayon.

Minsan lang sa isang taon magkita-kita ang mga magkakaklase sa high school at kolehiyo, pinaghandaan na nila ang piging, pero naunsiyami ‘yun dahil sa lockdown.

Hanggang sa katapusan pa ng buwang ito sinasabing magtatapos ang ECQ, pero mas maraming naniniwalang hindi pa matutuldukan ang lockdown sa April 30, dahil patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga kababayan nating hindi sinuwerteng makaligtas sa COVID-19.

Umaaray na ang bulsa ng mga manggagawang pinagbawalang magtrabaho, kahit ang mga negosyanteng may madudukot naman sa bulsa ay nagrereklamo na rin, dahil puro palabas ang kanilang biyaya at walang pumapasok sa pagsasara ng kanilang mga negosyo.

Patuloy na panalangin pa rin ang kailangan nating ibato sa langit, walang palya at walang kapagurang pagyakap sa pag-asa, lahat ng bagay sa mundo ay temporaryo lang at hindi panghabambuhay.