Hindi na nga maikakaila ang espesyal na namamagitam between Iñigo Pascual at Maris Racal. Kung hindi pa tahasang pag-amin sa relasyon nila ni Iñigo ang ginawang pagpu-post ni Maris ng picture nilang dalawa sa kanyang IG account habang magka-holding hands sa San Juan by the bae, ay ewan ko na lang ha.
Siyempre, kinilig ang fans nila at sa kabila nang nali-link nga sila, tila nagulat pa rin ang karamihan sa post na yun ni Maris.
Halos iisa rin ang comment ng netizens patungkol kay Iñigo na sa tindig at larawang ipinost ni Maris, parang Tatay niya lang ito na si Piolo Pascual.
Sa post naman ni Iñigo sa sariling G Account ng larawan nila, tila chubby cheeks ang tawag ni Iñigo rito.
Tribute kay Direk Maryo dagsa sa socmed
Lahat sa showbiz ay nagulantang at hindi makapaniwala na ang isa sa aktibo at premyadong director na si Direk Maryo J. delos Reyes ay pumanaw na. 10:00 pm ng January 27 namatay ito dahil sa atake sa puso sa dinaluhang party sa Dipolog City.
Nabasa namin sa Facebook at iba pang social media sites ang lungkot at tila pa-tribute ng bawat isa kay Direk Maryo. Mga production staff na nakatrabaho niya sa maraming projects mapa-pelikula o telebisyon man, mga artista na bawat isa yata ay talagang nakaranas ng husay niya bilang isang director at ang kabaitan.
At sa entertainment press na halos karamihan ay malapit sa kanya. Lahat sa press ay kilala niya by name. Last Monday lang, sa presscon ng bagong primetime series ng GMA-7 na Sherlock Jr. ang huling pagkakataon na karamihan sa press ay nakita ang namayapang director.
Isang mahabang Instagram post ang pinost ni Ruru sa larawan nila ng manager/ mentor.
Sa message niya, may panghihinayang ang Kapuso actor na hindi niya nayakap nang mahigpit ang director nung ‘di sinasadyang magkita sila sa Iloilo airport noong araw rin bago ito bawian ng buhay.
Sa isang banda, halos karamihan ng kaibigan ni Direk Maryo na nakakakilala talaga sa kanya ay naniniwalang masaya na rin ito na ngayon ay maaaring kapiling na sa kabilang-buhay ang kaibigang namayapa ilang buwan pa lang ang nakararaan na si Jake Tordesillas.