NI:ARCHIE LIAO

Namemeligro raw ang mga endorsement ng Kapamilya actress na si Maris Racal Unti-unti nang nagba-back out umano ang mga advertisers ng produktong kanyang iniendorso.

Hindi raw kasi nagustuhan ng mga ito ang sinabi ng aktres na sukang-suka na siya sa pamamalakad ng Pangulong Duterte.

Di rin daw type ng mga advertiser na may kulay-pulitika ang kanilang brand ambassador.

Galit na galit din daw ang mga taga- Davao sa naging post ni Maris .Nagsisisi umano sila sa pagsuporta sa young actress noong nasa PBB pa ito.

Nagbanta rin sila na ibo-boykot nila si Maris para raw mabigyan ng leksyon ito.

Humihingi rin umano ng apology ang mga supporter ni Digong sa sinabi nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagso-sorry ang young actress.