MARAMI palang mga taga-showbiz ang nagbabalak na pumunta ng Pampanga para dalawin si Mark Anthony Fernandez sa kulungan.
Maraming kaibigan sa showbiz ang parents ni Mark Anthony na sina Rudy Fernandez (SLN) at Alma Moreno, pati ang stepmom niyang si Lorna Tolentino.
Hindi nakakapagtaka na marami ang naaawa sa kanya kahit pa nauugnay siya sa drugs dahil sa pagkakahuli sa kanya na may isang kilo ng marijuana.
May isang showbiz mother ang niyayaya kami na dumalaw ngayon kay Mark Anthony.
May iba rin kaming mga kakilala na malamang na nakadalaw na kay Mark Anthony kahapon.
***
Naaaliw kami sa ilang fans ng AlDub.
Habang nasa Bohol kasi sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa shooting ng Enteng Kabisote movie ni Vic Sotto, nakunan ng picture ang dalawa.
Sa isang picture, nasa harapan ni Maine ang isang bote ng softdrink na ine-endorse nila ng rumored-boyfriend niya.
Sa isa pang picture, nasa harapan na ni Alden ang bote ng softdrink.
Kinilig na naman ang fans dahil obvious daw na nag-share sina Alden at Maine sa isang bote ng softdrink.
O, ‘di ba at bibilib ka sa AlDub fans dahil nagawan nila ng istorya ang bote ng softdrink, huh!
***

Bukod sa pagpe-painting, mahilig sa mga aso si Heart Evangelista.
Napakaraming mga aso ni Heart at mahal na mahal niya ang mga ito.
Madalas, pati sa tapings at ibang mga trabaho niya ay isinasama ni Heart ang iba niyang mga aso.
Parang tao ang turing ni Heart sa mga alaga niyang aso.
Kapareho ni Manay Lolit Solis si Heart na sobrang hilig din sa aso.
May mga kaibigan si Manay Lolit na ang madalas na pasalubong sa kanya ay pagkain ng kanyang mga aso.
Sobrang mahal ni Manay Lolit ang kanyang mga aso at in fairness, kahit almost 40 ang kanyang mga aso (na mas marami pa raw noon), kilala niya ang bawat isa sa mga ‘yon, huh!
Nang mag-lunch kami sa bahay ng mag-asawang Juancho Robles at Pinky Tobiano, tuwang-tuwa si Manay Lolit nang regaluhan siya ng anak ni Pinky na si Pianne Tobiano Sinfuego ng basket of beauty products for dogs.
Tuwang-tuwa si Manay Lolit dahil hindi lang shampoos and soaps ang laman ng basket na tinanggap niya mula kay Pianne dahil may mouth fresheners for the dogs din ‘yon.
Sabi namin kay Manay Lolit, bagay siya na mag-endorse ng mga produktong ‘yon pero ang sabi ni Manay Lolit, mas magiging mabili ang dog products ni Pianne kung si Heart ang kukuning endorser.
Pangako ni Manay Lolit na siya mismo ang kokontak at kukumbinsi sa misis ni Chiz Escudero para maging endorsers ng beauty products for the dogs, huh!
yung mga laos na time nyo na para mapansin uli kayo ,gamitin nyo si Mark ,si agot isidro inumpisahan na tirahin si duterte ,natunugan nya kasi na kasama sya sa list ng itotokhang
Maganda yung pinapakita suporta ng mga tiga-showbiz kay Mark Anthony, pero bakit ngayon lang na nahuli na siya at nakakulong na dahil sa bawal na marijuana. Hindi ba mas dapat natin siyang sinuportahan noon na mas kailangan nya ang tulong para hindi sya bumagsak sa pag-gamit ng marijuana. O kahit nag-advise man lang sa kanya na tigilan na ang pag-gamit ng Marijuana. Ano ba ito for publicity lang?
Kahit dahon ng kayumito at sili gagawan ng istorya ng fans ng aldub…lol