Nangako si Mark Anthony Fernandez na gagawin niya ang lahat para ayusin muli ang kanyang career, pati na ang kanyang buhay dahil lesson learned sa kanya ang pagkakakulong, pero hanggang ngayon ay itinatanggi niya na siya ay naging drug addict.

Siyempre, all smiles ang kanyang mother dear na si Alma Moreno dahil nakita niya ang pag-asa sa kanyang anak na kailangan ding mag-diet dahil tumaba si Mark sa loob ng kulungan.

Nasa Viva Artists’ Agency na nga si Mark. Masayang-masaya si Mark na muli siyang mabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.

Sabi, ang reunion movie niya with Claudine Barretto ang magiging unang pelikula niya sa Viva. Pinaplantsa na raw ito para makapagsimula as soon as possible.