ANG ex-wife ni Mark Anthony Fernandez na si Melissa Garcia, may post sa social media para sa kanyang ex-husband.
Ang laman of her post, “I’m sorry I can’t be with you this time. But you have my prayers. I will always have respect and care for you.
“Thank you for being a good father to your children. God will not forsake you, so don’t ever lose hope.”
Balitang ang kanyang mga kapatid sa ama, sina Ralph at Renz, pati na rin ang madrasta niyang si Ms. Lorna Tolentino, ay dadamayan din ang embattled actor.
Of the many interviews about Mark, ang pinaka-revealing ay ang panayam ni Ms. Lolit Solis sa 24 Oras.
Sabi ni Ms. Lolit sa interview, may depression ang aktor. Ang mga dahilan, ang demise of his dad, siempre pa ang most obvious reason.
***
Ang isa pa, na tila may lost lasting impact sa emotional health ni Fernandez ay ang major, major heartbreak nito with Claudine Barreto.
Si Clau-Clau yata talaga ang true love ng isa sa mga orihinal na Guaping.
Thus, I cannot help but wonder, ano kaya ang pakiramdam ni Barretto na kahit ayaw na niya at may tuldok na ang young love, sweet love nila dati ni Mark, hindi sinasadyang naisasama pa rin siya sa emotional equation?
Will it do good kaya to Mark saka-sakaling Claudine in a sincere act of kindness and graciousness, dalawin siya sa kulungan, console the man who seem to be truly, madly, deeply in love with her once, or maaaring magpahanggang ngayon?
Hindi ba dati, may balitang may pelikula silang gagawin?
Ano na kaya ang nangyari sa movie project na iyon?
If they made the movie, ‘yung film experience and shoot kayang ‘yun, naging beneficial kaya ‘yun para sa emotional healing that Mark so dearly needs lalo na’t si Claudine yata ang kanyang immortal beloved?
Nu’ng pareho na silang may ibang minamahal at iniirog, did they remain as friends?
Were the Fates kind to them, pinagtagpo man lang ba sila, para magkuwentuhan over coffee and blueberry cheesecake?
***
Maraming old photos ni Mark, together with his late dad Rudy Fernandez, kasama ang kanyang siblings na sina Ralph at Renz when they were all so young.
Kung makikita kaya ni Mark Anthony ang mga larawan, magtataka kaya siya, whatever happened to the chubby-cheeked boy?
Is he still inside of him?
***
Ang kanyang mommy dearest na si Ms. Alma Moreno, dasal ang hinihiling para sa kanyang panganay na anak.
Yes, Ms. Ness, we are praying for him.
And just like Ms. Lolit, marami ang nanalig na malaki pa ang pag-asa ni Mark Anthony na makapagbagong-buhay.
ano kayang meron si claudine barretto at handang masira ang buhay ng lalake alang alang sa kanya. c mark nagdrugs nung magbreak sila ni claudine. c rico yan naman nagpakamatay