Ibinasura ng isang hukom sa Angeles City ang isang kaso ng actor na si Mark Anthony Fernandez­ na may kinalaman sa pagdadala ng drug paraphernalias.

Sa desisyon ni Judge Eda Era ng Regional Trial Court Branch 60, ibinasura ang umano’y pagkakasabat ng grinder na isang gamit para sa pagproseso ng droga mula sa sasakyan ni Fernandez.

Ito ay dahil wala naman sa mga inilistang gamit sa inventory ng pulisya ang naturang grinder.

Sa arraignment, naghain naman ng not guilty plea si Fernandez sa paglabag sa Section 5 ng Dangerous Drugs Act of 2002 o ang pagbebenta at pagbibiyahe ng iligal na droga o mga kemikal na ginagamit sa paggawa nito.

Noong Lunes, inaresto si Fernandez sa Pampanga dahil sa pagbibitbit ng isang kilo ng marijuana matapos sitahin sa isang checkpoint sa Angeles City, Pampanga.

Sakaling mahatulan, mahaharap si Fernandez­ sa habambuhay na pagka­kakulong at multa na aabot sa P10 milyon.

Bukod sa isa pang kasong may kaugnayan sa iligal na droga, may nakabinbin pang kaso ng simple resistance and disobedience laban kay Fernandez sa Municipal Trial Court dahil tinangka pa nitong takasan ang mga awtoridad.

3 Responses