HAVEY: Marahil, hindi aware ang mahal na­ting si Mother Lily Monteverde pero nasa short list siya ng pinagpipi­lian para maging Chair ng Optical Media Board.

Kapag nagkataon, ang Regal Matriarch ang magiging in-charge sa Commercial Replication Permits, Import and Export Permit, Registration and Licensing at sa OMB Registered and Licensed Local License of Music Product tulad ng Karaoke.

Hindi ko lang alam kung Mother Lily is up to it, but I’m sure she can make her mark in this, and in many other ways.

Sabi niya minsan, hindi na niya kailangan ng posisyon sa gobyerno para tumulong. She continuously helps the industry in her unique way: big or small, and they mean a lot really.

Napag-alaman din namin na may dalawang magagaling na aktor sa industriya na ikinukunsidera sa parehong posisyon. Isang matinee idol noon na ngayo’y isang respetado at premyadong aktor; at ang isa nama’y action star na isa ring mahusay na aktor.

Kung sino man ang mapipili na susunod sa mga yapak nina Edu Manzano at Ronnie Ric­ketts na dati nang head ng OMB, sana ay maka­tulong ito nang malaki sa ikauunlad ng ating industriya.

***

WALEY: Mawawaley nang halos isang buwan simula Oktubre ang mahusay na singer-performer na si Mark Bautista.

Lilipad muna siya at mag-aaral sa New York Film Academy and he’s gearing towards additional media engagements pagbalik niya.

Sa IBC 13 siya naging runner-up sa Star For A Night with Sarah Geronimo na minsan niyang na­ging crush at kapartner sa concert stage at sa pelikula.

After that ay nag-ASAP siya at lumipat sa ABS-CBN. Doon nabuo ang grupo nilang Champions.

Pagkatapos noon ay nag-GMA7 siya at bukod sa pagba-variety show ay nagteleserye siya.

Nang patapos na ang kanyang contract sa GMA ay lumipad siya papuntang London para maging lead star sa musical na Here Lies Love.

Pagbalik niya ga­ling London, nag-Sunday PinaSaya muna siya sa GMA. Nang mawala na ang show, heto at walang humpay na guesting na lang ang nangyari sa kanya.

Mark had a short stint sa talent search ng TV5. Recently, nagge-guest na siya ulit sa ilang shows ng Kapamilya network.

Naiintindihan ni Mark na may ibang priority siguro ang mga networks kaya wala siyang regular na project.

He takes it on himself na maghanap ng pagkakaabalahan.

A few days before his birthday ay nagtungo siya sa kanyang hometown sa Cagayan de Oro para sa ilang business ventures.

Sana, makagawa pa si Mark ng mga bagong kanta, kasi, doon siya magaling. Alam ko na may nasulat pa siya na magagandang kanta.

Compared to the o­ther singers, Mark has proven na marunong siyang umarte and do really edgy and meaty roles either on film or in television.

Ang isang wish ko pa ay mapanood sana ng mga Pinoy ang kanyang musical na Here Lies Love dahil magaling talaga si Mark doon.

And mind you, malaki ang ipinakita niya ru’n, ha?!

As in!!!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.