SHOCKING ang naranasan ni Mark Bautista kahapon sa may Columbia City Theater sa Seattle, Washington.

Isang gunman ang bigla na lang lumabas sa sunroof ng kotse nito at nagpaulan ng bala sa may kalsada habang may hawak itong da­lawang baril.

Nagkataon na nakasakay si Mark sa isang Uber car with his companions at nasa harapan nila ang sasakyan ng nasabing gunman.

Tinamaan ang kotseng sinasak­yan nina Mark, buti na lang at ligtas sila, lalo na siya na sa passenger seat nakaupo.

“GOD THANK YOU FOR PROTECTING US!!!” ang sabi ni Mark sa kanyang Instagram post after ng insidente.

“This is the most terrifying moment I’ve ever experienced in my whole life…

“I’m happy that we’re safe now but when I found out that our car was actually hit by a bullet — where I was seated, I was literally shaking and my hands were cold.

“The picture of the gunman firing two guns right in front of us is still so clear to me… it could happen to anyone and anywhere.

“We’re indeed living in a crazy world. Be safe guys and take care of each other,” caption niya sa multiple pics na pinost niya sa IG.

‘Yung unang photo na makikita ang gunman na namamaril mula sa sunroof ng kotse nito ay kuha mula sa dashcam video ng sinakyan nilang Uber car.

Medyo shocked pa si Mark sa pinost niyang video sa IG Stories pagkatapos ng barilan.

“Oh my! I was sitting there!” ang gulat na reaksyon niya pagka­kita sa bandang harapan ng kotse na may tama ng baril.

Kung napataas ang tira ng gunman ay posibleng tinamaan ng bala na ‘yon si Mark, kaya ganu’n na lang ang pasasalamat niyang safe sila.

Ganu’n din ang comments ng mga kaibigan at kakilala ni Mark sa kanyang IG post.

Salamat sa Diyos at ligtas siya sa nakakawindang na shooting incident na ‘yon.

Ilang buwan nang Seattle-based si Mark dahil sa disco-musical na Here Lies Love sa Seattle Repertory Theatre kung saan gumaganap siya bilang dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.