MARK BAUTISTA, NA-TRAUMA SA PUTOK

Mark Bautista

HAVEY: Seattle, Washington. Napanood ng pamilya namin ang Seattle edition ng touring musical na Here Lies Love na tumutukoy sa mga pinagdaanan ng ating bansa at kung paanong sa gitna ng labanang pulitika ay napagwagian nating mga Pilipino ang pagkakahati-hati at abuso sa atin.

As usual, ipinagmamalaki rito ang Pinoy cast led by our dear Mark Bautista at ang gumanap sa papel na Imelda Marcos na si Jaygee Macapugay at Ninoy Aquino na si Conrad Ricamora.

Katulad ng London production, nakaka-impress ang gamit ng theater floor area dahil napaka-dynamic ng play na ito.

Kung nasa ibaba ka, magiging kasama ka sa drama sa entablado nang hindi mo namamalayan.

Ang stage design can transform the theater space from a dance club to a campaign rally, to a hero’s burial and wake to a People Power Revolution.

Pati ‘yung mga nasa itaas na sections ay napapaindak din.

Kahit foreigners ay engaged sa palabas at interesado sa mga nangyari sa ating bansa.

Sa lobby ng Seattle Repertory Theater ay may mga informational panels tungkol sa pinagdaanan ng ating bansa na ewan kung ikakatuwa ng Marcos loyalists.

May dagdag na info panel tungkol sa Filipino community sa Seattle mismo.

Sana lang, pagkatapos dito sa Seattle, umabot na sa Pilipinas ang Here Lies Love.

At sana, sa pamamagitan ng dulang ito, patuloy matutunan ang leksyon ng kasaysayan na NEVER AGAIN!

***

WALEY: May eksena sa Here Lies Love na may gunshot na maririnig dahil sa pagkamatay ni Ninoy Aquino sa tarmac.

Sa puntong ito, nasabi sa amin ni Mark Bautista na may dala pa rin itong takot sa kanya.

Naalala niya ang putok ng gunshot na pinakawalan ng gunman na bumutas ng Uber car na kanyang sinakyan a week ago.

Kung napansin ninyo, tinanggal na ni Mark ang kanyang post for security reasons.
Nakalaya pa rin at-large ang naturang gunman kaya nakakangambang baka balikan pa nito si Mark.

Hanggang end of June pa si Mark sa Here Lies Love pero tutuloy siya ng New York at mananatili muna roon hanggang August para tumingin ng iba pang opportunities para sa kanya habang wala pang regular gig na naghihintay sa ating bansa.

***

HAVEY: Sobrang taas ng energy bilang performers ng New Kids On The Block, BoyzIIMen at maging si Paula Abdul kaya matagumpay ang kinalabasan ng kanilang Total Package Concert Tour sa Key Arena sa Dowtown Seattle.

Maliban sa mismong act ng New Kids On The Block na medyo tumamlay na ang appeal pero mahusay pa rin naman, ang napakalakas pa rin ng impact ay ang BoyzIIMen na umawit ng kanilang memorable hits na On Bended Knee at One Sweet Day.

Kahit medyo madali silang makaray sa mga tour — mula Vegas last year to ‘Pinas for the Miss Universe pageant noong Enero, heto at grabe pa rin ang impact ng performance ng BoyzIMen. Swak na swak sila sa PUWEDE PA KAMI portion ng concert na ito.

***

WALEY: At dahil all-boys ang mga naitampok na concert sa Key Arena, may isang singer na naman na naiiba.

Parang blast from the past ang paglitaw ni Paula Abdul na kumanta at sumayaw to the tune of Rush Rush, The Way That You Love Me, Opposites Attract, at Forever Your Girl.

Puwede na siyang tawaging Lipsynching Ex-Cheerleader ng LA Lakers dahil maliban sa engineered na ang boses niya ay panay lipsynch na lang siya sa concert.

Buti na lang na at 54, this former judge sa American Idol ay kayang umindak at sumirku-sirko sa stage.

Generous ang audience dahil pinapalakpakan siya para sa kanyang A for EFFORT — na parang sinasabi niyang –“May Asim Pa ‘Ko, Duuuuuuy!!!”

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.