Mark, high na high sa bonding with Anderson Cooper

Anderson Cooper at Mark Bautista

HAVEY: Sobrang ho­nored at overwhelmed si Mark Bautista sa kanyang experience nang pagbisita sa CNN Studio at naka-bonding niya ang kilalang journalist na si Anderson Cooper.

“Never been this nervous. #AndersonCooper360,” ang unang post ni Mark Bautista sa pagpasok pa lang niya sa CNN Studio at nakalista roon na visitor siya ng pamosong mamamahayag.

Doon sa CNN Studio mismo pinanood ni Mark ang interview sa bagong US President na si Donald Trump.

Pagkatapos makapanayam ang POTUS (President Of The United States), nag-bonding na sina Anderson Cooper at Mark Bautista.

At sa ipinost na picture nilang magkasama, sinabi ni Mark, “I don’t care what people say but I have so much respect for this man. Thank you for all the advice. #AndersonCooper #NoHate #LoveisLoveisLove.”

Hindi ko lang alam kung bakit medyo defensive ang post ni Mark dito sa picture nila ni Anderson Cooper.

Imbes na maging isyu ang pagkakaroon ng gender-color ang pagkikita nila at picture na iyun, marami ring nainggit kay Mark dahil sa magandang experience na iyun.

Nagbigay si Anderson ng pirmadong libro kay Mark na ang sabi, “(He) Gave me books and life lessons.”

books-ni-andersonNang makausap ko thru viber si Mark kahapon, ang sabi niya sa akin, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kanya at sa napaka-memorable na pagkikita nila ng idolo niya.

“Wait, absorb ko muna hehe medyo ‘di ko alam saan mag umpisa. Basta, he talked about his Manila/Tacloban exper­ience,” sabi ni Mark.

Kontrobersyal ‘yon dahil sa ini-report ni Anderson na mabagal na pag-usad ng ating gobyerno noon.

Naging malaking isyu ang parunggitan nila ni Korina Sanchez na naging vocal sa pagbibigay ng side ng asawa niyang si Mar Roxas na nangasiwa ng Yolanda Operations.

“He asked me about Duterte, too,” sabi ni Mark na mukhang umiwas na at kumambyo na sa pagkausap tungkol sa politika kaya sinabi niyang “but he talked mainly about his life and his family, Vanderblit pala siya,” sabi ni Mark.

Ang Vanderbilt fa­mily is an American fa­mily of Dutch origin that was prominent during the Gilded Age.

Nakilala sila sa shipping and railroad empires of Cornelius Vanderbilt, and the family expanded into various other areas of industry and philanthropy.

Cornelius Vanderbilt’s descendants went on to build grand mansions on Fifth Avenue in New York City, luxurious ‘summer cottages’ in Newport, Rhode Island, the palatial Biltmore Housein Asheville, North Carolina, and various other opulent homes.

Kaya mo ‘yan, Tang­law Diva? Complete with research at history ang pinag-usapan nina Mac-Mac at Anderson.

The Vanderbilts were once the wealthiest fami­ly in America hanggang noong mid-20th century, when the family’s 10 great Fifth Avenue mansions were torn down, and most other Vanderbilt houses were sold or turned ito museums.

Kaya ang tanong ko kay MacMac, babalik ba siya as a journalist or a reporter and a director?

Paano na ang pagiging singer niya?

Ang sabi ni MacMac, “I don’t want people to think about my directing school too much and forget about my singing…:) Im just reserving it for future use hehe.”

So don’t you worry folks, kakanta pa rin si Mark — but for now, let him savor his Anderson Cooper experience.

Mukhang high na high pa si Mark du’n pati na sa kanyang pagiging New Yorker.

Ibang level na si MacMac of Cagayan de Oro City!!!

***

WALEY: Bukas na aalis ng bansa ang sikat at mahusay na composer na si Odette Quesada pabalik ng America kung saan siya naninirahan.

Excited ako sa meeting namin mamayang gabi bilang pagpaplano para sa isang major concert in honor of her sa May 2017. Nang mapasyalan ni Odette ang Resorts World New Performing Arts Thea­ter, natuwa siya at ang sabi’y gusto niyang mag-concert doon.

Ang siste ay baka hindi lang tribute concert ang magaganap kundi isang musical based on Odette Quesada songs na mala-Beautiful ni Carole King.

With these basic songs in the line-up, oo naman, deserving mag-tribute at mag-musicale si Odette.

Growing Up by Gary V, Ayoko Na Sana by Ariel Rivera, A Long Long Time Ago and Till I Met You by Kuh Ledesma, I Need You Back and Farewell by Raymond Lauchengco, Don’t Know What To Do and Give Me A Chance by Ric Segreto, Love Me Again by Vernie Varga, To Love Again and Can’t Let You Walk Away by Sharon Cuneta, Sa Sakayan Ng Jeep ni Lani Misalucha, You’re My Home by Lea Salonga at kahit na Habang Panahon by Nora Aunor, marami pang ibang kanta si Odette na sarili niya at collaboration nila ng yumao niyang asawa na si Bodjie Dasig.

Friend of Mine ang signature song niya as singer songwriter pero kumpleto ang album ko sa kanya from her self-titled album sa Vicor, to Free and Easy sa nasunog na Tasya Records hanggang sa Alpha Records.

Maganda rin ang nasulat niyang kanta sa JaDine soundtrack na My Favorite Love Story.

But I will never forget her song with Baron Barbers na Any Minute Now at ang paborito kong Where Can I Find at One Of A Kind.

Truly, she’s one of a kind kaya isang honor ang personal ko siyang makilala mamayang gabi.

Hay, Odette, pagha­handaan kita!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.