Mark, HOPIA kay Rachelle Ann sa New York

mark-bautista

NAKIKITA namin kay Mark Bautista na puspusan na ang training niya sa musical play niyang Here Lies Love na itatanghal sa Seattle.

Noong nakaraang linggo siya umalis patungong New York dahil doon muna sila magre-rehearse bago sila tumuloy sa Seatte.

Tuwang-tuwa ang singer/actor na ibinahagi sa ilang movie press na siya lang ang nasa original cast sa London na kinuha pa-Amerika.

“Ang sarap ng feeling na… hindi ko ini-expect na magkaroon pa ng another show for this dahil sinabi sa amin nu’n na mahirap siyang i-mount.

“Magastos, ang mahal ng budget. I’m so happy na binuo nila ulit ‘to. Parang trial daw nila for future shows,” pahayag ni Mark bago siya umalis pa-Amerika.

Hindi niya akalaing mapasama siya dahil ang pagkakaalam niya, mga bago ang kukuning performers sa naturang musical play.

“Malaking tulong ‘yung pagpunta ko sa New York because of my school.

Kasi, pumunta ako sa event kung saan in-award ang director namin sa Here Lies Love, and then nag-usap sila na gawin daw ang Here Lies Love sa Seattle, and they’re looking for Marcos kasi wala pa raw sila.

“Sabi ko, ‘I would love to do it again,’ sabi ko, ganu’n.

“Nu’ng December, naka-receive na lang ako ng email kung interested ba ako to do it again. So, sabi ko perfect timing. I’m okay,” pakli nito.

Nakakasama na rin uli ni Mark si Rachelle Ann Go na nasa New York din para sa Miss Saigon.
Nu’ng nag-Here Lies Love si Mark sa London, nandoon din si Rachelle Ann para sa Miss Saigon sa West End.

Ngayon eh sa New York na naman sila nagkasabay, at hoping si Mark na magkikita sila roon ni Rachell Ann.

“For sure magkikita kami, pero I’m sure busy rin siya, kasi, nag-stage rehearsal na sila eh.
“Sabihin ko rin sa kanya na invite niya ako na panoorin ko ang Hamilton, kasi hindi ko pa napanood ‘yun,” saad ni Mark.

Sa Miss Saigon muna si Rachelle Ann sa Broadway, at bago matapos ang taon, pa-London siya para sa Hamilton.

Pagkatapos ng Seattle, inaasahan ni Mark na madala itong Here Lies Love sa ating bansa, para mapanood ng lahat ang kuwento ng isang musical na tumatalakay sa da­ting Pangulong Ferdinand Marcos at asawa nitong si Imelda

Ani Mark, “May mga usapan na dadalhin. For this production, kaya na raw dalhin sa ibang bansa na mas madali.

“May nakausap na rin ako na ibang producer na sabi niya, dadalhin niya dito. So, hopefully, ako being in the show, a performer on the show.

“Gusto ko talaga mapanood ng mga Pinoy ang show na ‘to, and talagang ma-enjoy nila,” pahayag pa ni Mark.